Kamakailan lamang ay inanunsyo ng MPL Philippines sa social media ang bagong playoff format na ipapatupad sa pagbubukas ng MPL PH Season 9.

Tampok sa inilabas na MPL PH S9 Playoff format ang ilang mga pagbabago pangunahin na ang pribilehiyong makakamit ng mga koponang makakakuha ng mas mataas na seeding matapos ang regular season.


Kaibahan ng MPL PH S9 Playoff format mula sa format ng nakaraang season

Sa gugulong na MPL PH S9 playoff format, mas magkakaroon ng kalamangan ang mga higher-seeded teams, partikular na ang 1st at 3rd seeded teams na silang huhulma ng mga matchups pagdating ng postseason.

Credit: MPL Philippines

Ipinaliwanag ng MPL PH ang bagong mechanic sa nasabing post. Sulat nila, “Nakasalalay sa 1st at 3rd ranked team ng Regular Season ang magiging mukha ng playoff picture. Ang first seed ang magpapasya sa placement ng 3rd at 4th ranked team habang nasa kamay naman ng 3rd seed ang placement ng 5th at 6th ranked team.”

Malaki itong kaibahan mula sa format ng nakaraang season kung saan awtomatikong nag-abang sa winner ng 4th at 5th seed ang 1st seed, habang naghintay naman ang 2nd seed sa nanalo sa bakbakan ng 3rd at 6th seed.

Credit: ONE Esports Philippines

Sa isang panayam kasama ang ONE Esports Philippines, ipinaliwanag ng Esports Operation Executive ng Moonton na si Joy “Uncle Joy/Hymnrael” Calulo ang nagtulak sa pagbabagong ito.

“It actually gives teams more reason to fight for the 3rd spot. The reason for the change is the position is staggered now, and there is more incentive to actually get a higher seed. All seeds who are a bit higher, matter,” ani ni Uncle Joy.


Mas mahigpit na ang labanan para sa higher seed

Hindi man direktang ipinahayag ni Uncle Joy kung bakit ang 3rd seed at hindi ang 2nd seed ang may hawak ng kapangyarihan sa bagong MPL PH S9 Playoff format, malaki ang tiyansang kaugnay ito ng naganap noong nakalipas na season.

Mababalikang malaki ang kontrobersiyang pumalibot sa Week 7 Day 3 labanan sa pagitan ng Nexplay EVOS at Smart Omega na nagdikta sa placing ng 3rd at 4th seed.

Credit: MPL PH/ ONE Esports PH

Dahil nanalo ang NXPE, 2-1, nakaharap ng koponan ang 6th-seeded RSG Philippines na pinaluhod nila para umangat at kalabanin ang ONIC Philippines. Sa kabilang banda, pinatumba naman ng OMG ang ECHO sa parehong round, bago kaharapin ang karibal na Blacklist International na nilaglag din nila sa lower bracket.

Kung gumulong ang bagong rule na nakapaloob sa MPL PH S9 Playoff format noong nakaraang season, malaki ang pagkakaiba ng mga matches na itinampok sa Season 8 postseason.

Kaya naman sa pagpapatupad ng MPL PH S9 Playoff format, maasahang mas magiging mainit ang bakbakan sa pagitan ng mga koponan para makuha ang mas mataas na seedings pakatapos ng regular season.


Ano pa kaya ang magiging epekto ng bagong-latag na MPL PH S9 Playoff format? Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL sa pamamagitan ng pagsunod sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: MPL PH Season 9 magsisimula sa ika-18 ng Pebrero