EVOS WORLD ang pangalang ibinansag sa EVOS Legends matapos nilang pangibabawan ang M1 World Championship noong 2019. Kinuha ito mula sa unang letra ng pangalan nina Wann, Oura, REKT, Luminaire, at Donkey.
Hanggang ngayon, EVOS WORLD pa lang ang mga Indonesian na hinirang na MLBB world champion matapos iselyo ng Bren Esports at Blacklist International mula sa Pilipinas ang dalawang sunod na kampeonato.
Marahil ito ay dahil sa pagkakawatak-watak ng EVOS WORLD matapos ang M1, kung saan nag-retire sina Oura at Donkey para makasama ang kani-kanilang mga pamilya. Pareho rin silang nagtatag ng karera bilang streamers.

Pero ngayon, may oportunidad na ulit para magsama-sama ang mga manlalaro. Ito ay matapos ianunsyo ng Nimo TV na magsasara na sila sa katapusan ng Abril.
Bagamat pwede ring lumipat na lang sina Oura at Donkey sa ibang streaming platform, hindi pa rin imposible na muling magsama-sama para bumalik sa competitive scene ang EVOS WORLD.
DeanKT, naniniwalang babalik ang EVOS WORLD

Kumpiyansa ang EVOS Performance Vice President na si Aldean “DeanKT” Tegar sa pagbabalik ng EVOS WORLD. Ibinunyag niya ito habang nagii-stream kasama sina Oura, Donkey, at iba pang manlalaro ng EVOS Legends.
“Ya, WORLD balik lagi bisa sih kalau streaming tidak ada. Mereka bisa (kembali ke scene) kompetitif semua. Pastinya semua happy lah kalau WORLD kembali bersatu,” sabi ni DeanKT.
(Oo, pwedeng bumalik ang WORLD kung wala nang streaming. Pwede silang bumalik sa competitive scene. Syempre masaya ang lahat kung babalik ang WORLD.)
“Menurut saya, kalau dari Season 4 itu tidak ada yang namanya live streaming, mereka masih jadi pro player. Oura, Donkey, semua masih jadi pro player. Saya yakin,” dagdag niya.
(Sa palagay ko, kung wala pang livestreaming noong Season 4, pro players pa rin sila hanggang ngayon. Pro players pa rin sina Oura at Donkey. Sigurado ako.)
Bilang paglilinaw, sinabi ito ni DeanKT bilang spekulasyon o impormal na imbistasyon sa pagbabalik nina Oura at Donkey sa professional scene, kahit hindi sa ilalim ng EVOS.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Bakit nga ba hindi masyadong excited si EVOS Zeys sa MPL ID S9 playoffs?