Malapit nang magsimula ang playoffs ng MPL ID S9 pero para kay EVOS Zeys, tila iba ang hype ngayon kung ikukumpara noong nakaraang season.

Para sa mga fans, marahil ay mas excited sila para dito dahil sa unang pagkakataon simula noong Season 4, gaganapin nang live ang playoffs.

Ang pagkakaroon ng live audience sa parehong lugar kung saan ginaganap ang playoffs ng pinakamalaking movile esports league ay highlight na.

Bakit nga ba hindi masyadong excited si EVOS Zeys sa MPL ID S9 playoffs?
Credit: MPL Indonesia

Iba ang nagagawa nito para sa koponan, pero pwede ring maging dagdag dahilan para kabahan, lalo na para sa mga bagong manlalaro.

Bagamat pabor ito para sa mga fans, ibang usapan naman ito pag dating sa mga coach at player.

EVOS Zeys, ibinihagi kung bakit hindi siya masyadong excited sa paparating na playoffs

Sa ibang venue gaganapin ang paparating na MPL ID S9 playoffs. Noong nakaraan, ginanap ito sa Nusa Dua Bali at namalagi ang mga manlalaro dito ng isang buong linggo bago magsimula ang palaro.

Bakit nga ba hindi masyadong excited si EVOS Zeys sa MPL ID S9 playoffs?
Credit: ONE Esports

Ito ang ikalawang pagkakataon na ginanap sa labas ng Jakarta ang playoffs, matapos itong gawin sa Surabaya noong ikatlong season. Kaso nga lang ngayon, sa parehong lugar kung saan ginanap ang regular season din iraraos ang playoffs—sa MPL Arena.

Dahil dito, hindi mapigilan ni EVOS Zeys na ihayag ang kanyang pakiwari.


@ultraman_maa INFO PERSIAPAN PLAY OFF#nimotv @evosesports @gpx.gg @ekooju1 @z3zeys @doyokiniboss @Mraply_ @Aldean Tegar ♬ suara asli – It’s Maa. – MAA ADALAH ULTRAMAN.

“Rasanya seperti bukan playoff sih. Karena lokasi masih sama di MPL Arena. Kalau di Bali atau di mana pasti lebih seru kan sebelum turnamennya, vibenya gitu,” saad ni EVOS Zeys sa isang podcast kasama sina Oura, Doyok, at DeanKT.

(Hindi ko nga ramdam na playoffs dahil sa MPL Arena rin gaganapin. Kung sa Bali sana, o kahit saan na mas exciting, ‘yun ang vibe.)

Nakatakdang ganapin ang MPL ID S9 playoffs simula ika-21 hanggang ika-24 ng Abril.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ang pangako ni Coach Mars sa ONIC Esports fans papasok sa MPL ID S9 playoffs