Nagbitaw ng pangako si Coach Mars sa mga sumusuporta sa ONIC Esports matapos iselyo ng koponan ang ikalawang puwesto sa standings at ang kanilang slot sa playoffs ng MPL Indonesia Season 9.
Aniya, kung ano man daw ang naipakita ng kanyang koponan sa walong linggong regular season ay wala kung ikukumpara sa gameplay at strategy na kanilang inihanda para sa playoffs.
“Pastinya kami akan berusaha memberikan yang terbaik. Regular season ini bukan apa-apa, hanya untuk memperebutkan upper bracket dan mempersiapkan para pemain di playoff nanti. Soalnya segalanya itu ditentukan di playoff,” banggit ni Coach Mars sa ONE Esports.
(Panigurado ibibigay pa namin ang best namin. Wala pa ang regular season na ‘to sa preparasyon ng mga manlalaro namin para sa upper bracket ng playoffs. Magkakaalaman sa playoffs.)
Tinapos ng ONIC Esports ang kanilang kampanya sa regular season nang may 11 panalo mula sa 14 na serye na kanilang nilaro. Dahil dito, pasok sila sa upper bracket ng playoffs kasama ng RRQ Hoshi na pinangibabawan ang nasabing tournament phase.
Isa ang ONIC sa pinakamalakas na title contender sa MPL ID S9, lalo na’t sila ang defending champion at ‘di hamak na mas maganda rin ang kanilang roster kumpara noong nakaraang season.
Ang tsansa ng ONIC Esports na madepensahan ang kanilang titulo sa MPL ID S9 playoffs

Ngayon, tiyak na naghahanda na ang defending champions para sa MPL ID S9 playoffs at meron na rin silang ideya kung sino-sino ang mga koponang dapat nilang paghandaan.
Base sa playoff bracket na inilathala ng kumite, haharapin ng ONIC Esports ang magtatagumpay sa pagitan ng Aura Fire at Bigteron Alpha.
Sa madaling salita, kailangan paghandaan ng koponan ang dalawang koponan. Maaari nilang pagbasihan ang mga naging laban nila noong regular season kontra Aura Fire at Bigetron Alpha para makapaghanda.
Tiyak na kaabang-abang ang ipapakitang laruan ng ONIC Esports sa playoffs at kung paano ito maiiba sa kanilang ipinakita noong regular season.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: MobaZane kumasa sa Balut Challenge