Ibinunyag ni Coach Mars na handa ang mga asset ng ONIC Esports na depensahan ang kanilang championship title sa MPL Indonesia.

Patuloy na pinatutunayan ng ONIC Esports na isa pa rin sila sa mga pinakamalalakas na title challengers ngayong season. Bagamat nangingibabaw pa rin ang RRQ Hoshi, kumportableng naka-upo sa ikalawang pwesto ang koponan nang may siyam na panalo at tatlong talo.

Ito ay sa kabila ng roster changes bago magsimula ang MPL ID Season 9. Nagpahinga si Drian matapos ang M3 World Championship at nagbalik lang noong ikapitong linggo ng regular season.

Coach Mars: Madedepensahan ng mga asset ng ONIC Esports ang MPL ID title
Credit: ONIC Esports Instagram

Bago ang kanyang pagbabalik sa pro scene, inilipat muna ng ONIC si Sanz sa midlane, habang si Sir ft Lans ang naglaro bilang jungler.

Kinuha rin nila si SamoHt mula sa kanilang MDL team na ONIC Prodigy. Naging susi ang manlalaro para maisagawa ng koponan ang kanilang two roamer strategy kasama si Kiboy.

Sa kabila ng mga ito, nananatiling malakas ang ONIC Esports sa MPL ID Season 9. Patunay ito hindi lang sa kanilang kalakasan kung hindi pati na rin sa mataas nilang tsana na madepensahan ang kanilang titulo.


Coach Mars, kumpiyansa sa kakayahan ng mga asset ng ONIC Esports na magkampeon

Coach Mars: Madedepensahan ng mga asset ng ONIC Esports ang MPL ID title
Credit: ONIC Esports Instagram

Ibinahagi ni Coach Mars ang mga asset ng ONIC Esports na mangunguna sa kanilang kampanya para mapagtagumpayan ang MPL ID Season 9 at kasama dito ang kinatawan ng kanilang bansa para sa SEA Games 2021.

“Pertama, kami memiliki SamoHt sebagai satu tambahan sebagai modal kami. Selain itu kembalinya Drian juga bisa menjadi salah satu modal kami,” saad ni Coach Mars.

(Una, meron kaming SamoHt bilang isa sa aming mga asset. Dagdag pa ang pagbabalik ni Drian na pwede rin naming maging kapital.)

“Selain itu dengan beberapa pemain masuk pelatnas juga itu salah satu modal karena kami bisa mendapatkan banyak tambahan dari sana,” dagdag niya.

(Meron din kaming mga manlalaro na pasok sa national team. Dagdag din ito sa mga asset ng ONIC Esports dahil pwede kaming makakuha ng pwersa doon.)

Kabilang sina Kiboy, CW, Sanz, at coach Aldo sa national team ng Indonesia para sa SEA Games 2021.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano kuhain ang Teen Pop Wanwan Starlight skin nang libre sa 515 M-World event ng MLBB