Opisyal nang nagbabalik sa professional scene si ONIC Drian matapos magpahinga simula noong umpisa ng ika-siyam na season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia.

Sumali ang dating mainstay ng ONIC Esports noong MPL ID Season 8 sa ONIC Prodigy, ang MLBB Development League team ng organisasyon.

Opisyal itong inanunsyo ng ONIC Esports sa isang Instagram post na may simpleng caption na, “He’s back!”

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ONIC (@onic.esports)

Inaasahan ang muling pagbabalik ni Drian sa competitive scene ng MLBB Indonesia sa ikalimang linggo ng MDL Season 5, kung saan nakatakda harapin ng ONIC Prodigy ang Dewa United Esports at RRQ Sena.

Sa kasalukuyan, sinusubukan pa rin ng koponang makabalik sa tugatog ng MDL Season 5 standings. Naka-upo sila ngayon sa ika-anim na puwesto na may limang panalo at apat na talo. Pinangungunahan ang ONIC Prodigy ng Alter Ego X, Aura Esports, GPX Esports, EVOS Icon, at Co2z Esports.

Ang tsansa na bumalik si ONIC Drian sa ONIC Esports

Balik-pro scene ni ONIC Drian, opisyal na
Credit: ONIC Esports

Senyales ang pagsapi ni Drian sa Prodigy sa kanyang pagbabalik sa ONIC sa mga susunod na linggo.

Dahil ang pag-usbong ng mga MDL team ang isa sa mga requirement para sa bawat MPL ID team, pala-isipan ngayon kung kailan maaaring makabalik si Drian sa ONIC Esports para sa MPL ID Season 9.

Inaasahang bumalik ang manlalaro sa ONIC Esports sa ikapitong linggo ng regular season o kaya’y pagkatapos ng ikalimang linggo ng MDL Season 5.

Kaabang-abang ang muling pagbabalik ni ONIC Drian sa professional scene matapos ang mahaba niyang pahinga pagkatapos ng M3 World Championship.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Alter Ego tinanggal ang kanilang manager dahil sa labis na pang-aasar kay EVOS REKT