Gugugol ng maraming oras bago magamay ang bagong MLBB hero na si Julian. Katulad ng nauna ng lumabas na mga heroes sa Land of Dawn, bukod-tangi ang karakter at skill design ng bagong hero.
Mula kay Beatrix na may abilidad na magpalit mulas sa apat na opsyon (na may iba’t-ibang ultimates din), hanggang kay Yve na may Real World Manipulation ultimate na kawangis ng isang minigame, agresibo ngayon ang Moonton na makapaglabas ng unique hero designs sa mga nakaraang buwan.
Ngayon naman ang bagong MLBB hero na si Julian, ang ika-apat at huling hero sa Forsaken Light Series. Nasa kategoryang fighter at mage ang Forsaken Raven na mistulang assassin ang galawan. Tantiya ng marami, ito raw ang hero na may pinakamahirap na skill combo sa laro.
Skills ng bagong MLBB hero na si Julian

Base sa nakita sa advanced server, may tatlong abilidad ang Forsaken Raven at bawat isa sa mga ito ay may enhancing effect.
Siya rin ang unang hero sa Land of Dawn na maaaring malagyan ng point ang ultimate skill na tinawag na Chain, kahit level one pa lamang ang hero. Ang bawat skill ay maaari din ma-upgrade pagdako ng level five.
Passive – Smith’s Legacy
- Pagkatapos mag-cast ng dalawang magkaibang skills, mapapalakas ni Julian ang kaniyang third skill.
- Ang pag-cast ng enhanced skill ay magdudulot ng pag-cooldown ng lahat ng kaniyang skills at mapapalakas ang kaniyang basic attacks sa loob ng limang segundo.
- Ang bawat empowered attack ay magpapalabas ng increased physical at magic damage, at mahihila ang target palapit sa kaniya.
Skill 1 – Schyte/Enhanced Schyte
- Magbabato si Jukian ang enhanced scythes sa isang direksyon at mag-dedeal ng damage at slow effect sa heroes na nasa area.
- Kapag enhanced, mananatili sa posisyon ang scythe kapag nakatama ng hero o kapag naabot n anito ang maximum distance.
Skill 2 – Sword/Enhanced Sword
- Magpapalabas ang Forsaken Raven ng flyin sword at mag-dadash sa isang direksyon para mag-deal ng damage.
- Kapag enhanced, mas malaki ang area of effect ng mga espada at mag-teteleport kay Julian sa pinakamalayong punto na naabot nito.
Ultimate – Chain/Enhanced Chain

- Lalabas ang mga kadena kapag na-cast ito sa isang target location na may kasamang damage at immobilizing effect sa kalaban.
- Sa enhanced mode, mas malaki rin ang area of effect ng chains at kapag tumama sa kalaban ay magdadahilan upang ma-knock airborne ang mga ito.
Bagamat wala pang inihayag na realease date ang Moonton tungkol sa bagong MLBB hero na si Julian, maaari ng makakuha ang mga players ng exchange token para sa kaniya upang makuha ang hero ng libre mula May 14 hanggang 15.
Maaaring mapanood ang animated trailer ng bagong MLBB hero na si Julian sa cinematic trailer na ito:
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends.