Isa si Karina sa mga Assassin na nagpatuloy ang pamamayagpag sa kabila ng pag-usbong ng Tank meta sa Mobile Legends: Bang Bang.

Napatunayan kasi ang bisa niya lalo na kung bubuuan ng mga item na kadalasang para sa mga makukunat na hero. Hindi naging problema ang damage potential niya dahil sa true damage na taglay ng kanyang passive ability na Shadow Combo.

Sa lahat ng rehiyon ng MPL, isa si Karina sa mga naging priority picks. Naging susi pa nga ito sa tagumpay na nakamit ng TNC Pro Team sa tulong ng jungler nilang si Daniel “SDzyz” Chu.

3 hero na pang-counter sa Tank Karina
Credit: MPL Philippines, ONE Esports

Pero ano nga ba dapat ang gawin kung makakaharap ng Tank Karina? Narito ang tatlong hero na puwedeng ipang-counter.

Ang mga pang-counter sa Tank Karina

Naniniwala ang ONE Esports na may tatlong mabisang pangontra sa likot ng Karina.

Baxia

3 hero na pang-counter sa Tank Karina
Credit: Moonton

Natural na pang-counter sa Tank Karina si Baxia. Sa MPL, parati mataas ang tsansa na gamitin pang-contest ang naturang hero kapag pina-priority pick ang Karina.

Dahil may taglay na mobility mula sa Baxia-Shiled Unity at pangontra sa shield at HP regen ng kalaban salamat sa passive niyang Baxia Mark, mas madaling habulin at bawasan ang Tank Karina.

Belerick

3 hero na pang-counter sa Tank Karina
Credit: Moonton

Bagamat hindi masyadong napipili sa kasalukuyang meta, solid na pang-counter si Belerick kay Karina. Nakasalalay kasi ang Assassin sa kanyang basic attack at passive, bagay na ikatutuwa naman ng passive ni Belerick na Deadly Thorns.

May mobility din na ibinibigay ang Nature’s Strike, at crowd control naman para sa ultimate niyang Wrath of Dryad.

Akai

3 hero na pang-counter sa Tank Karina
Credit: Moonton

Simula noong ma-revamp si Akai, hindi na imposible para kanya na punan ang EXP Lane, o maging ang jungle.

Mas mataas na ang physical damage potential ng hero at gaya ng dati, mabisang pangontra pa rin si Akai sa mga malilikot na hero salamat sa kanyang ultimate na Heavy Spin.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Sibol MLBB haharapin ang tatlong koponan sa SEA Games group stage