Kinabibiliban ang TNC Pro Team ML jungler na si Daniel “SDzyz” Chu hindi lamang dahil sa kaniyang halimaw na mechanical skills, kundi dahil sa maniobra niya sa paborito niyang picks at maliliit na adjustments na ginagawa niya dito. Kaya naman iniiwasan ng mga koponan ang pagbibigay sa kaniyang mga comfort picks. Partikular dito kaniyang Karina.

Maituturing na isa sa mga pinakamalakas na jungler heroes ang Karina sa meta ngayon sa MPL PH Season 9, at hindi maikakailang kabisado ng TNC jungler ang galawan ng mage hero. Pero ano ba ang ginagawa ni TNC SDzyz sa hero para kumamada para sa kaniyang team?

Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports Philippines ang batikang junglerna inilahad kung paano gamitin ang Karina, kasabay ang ilang tips para mas mapalakas ang gameplay gamit ang hero.


Estado ng Karina sa MPL PH Season 9

Credit: Moonton

Sa pinakahuling datos mula sa MPL, numero uno ang assassin/mage sa pinakamatagumpay na heroes na na-pick ng 30 or more times. Pangwalo din ito sa most banned heroes sa liga, kaya naman halatang malaki ang kayang iambag ng pick sa Land of Dawn.

Bagamat malayo ang pickrate ng Karina (30 picks) kontra sa mga popular na jungler picks tulad ng Lancelot (55 picks), Ling (43 picks) at Paquito (40 picks), malayo ang 65% win rate na itinala ng hero mula sa grupo.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Kaya hindi rin kataka-taka kung bakit kapag nahawakan ito ng junglers kagaya na lamang ni TNC SDzyz ay tiyak na maghahasik ito ng lagim in-game.


Paano gamitin ang Karina? Early game aggression daw ang susi sabi ni SDzyz

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Ibinahagi ni SDzyz ang dahilan kung bakit madalas na makita ang hero sa gumugulong na season. Aniya, “Kaya malakas yung hero sa meta ngayon kasi malakas siya mag-objectives tiyaka malakas sa teamfight.”

Pagpapaliwanag pa ng pro, “Ang pinaka-ambag ng Karina in-game is yung early game power spike neto. Kaya niya magbigay ng space sa mga kakampe niya.”

Hindi maitatanggi ang laki ng impact ng assassin/mage sa unang bahagi ng laro. Kaya naman payo ng TNC jungler sa mga gustong malaman kung paano gamitin ang Karina, “Dapat sa early palang aggressive na kayo dahil ang power spike neto is nasa early game talaga.”


Emblem at Item Build preference ng Karina ni TNC SDzyz

Hindi sikreto na preference ng beterano ang paggamit ng Jungler Demon Slayer emblem sa kaniyang mga core heroes. Gayundin ang diskarte niya kung paano gamitin ang Karina sa pro games. Pagdadahilan ng TNC star, “Ang emblem ko sa Karina is jungle emblem para mas mapabilis pa yung pag-take ng objectives/resources.”

Credit: ONE Esports

Mababalikan na primera si SDzyz sa mga junglers sa MPL Philippines na gumamit ng naturang jungle emblem, na ngayon ay patuloy na patok sa mga core players kahit sa ibang rehiyon. Malaki ang impact ng emblem sa objective-centered lineup dahil nagbibigay ito ng dagdag 20% damage sa Turtle, Lord, at Turrets, habang nagbibigay din ng dagdag 20% damage reduction sa Lord at Turtle.

Para naman sa item build, binigyang-linaw ng jungler ang kaniyang diskarte para sa mage hero. “Mas gusto kong build sa Karina is tank build kasi mas may ambag siya sa teamfight pag tumatagal buhay nya tiyaka may damage na siya kahit walang mage na item.”

Credit: ONE Esports PH

Mas kapansin-pansin kung paano gamitin ang Karina ni SDzyz sa kanilang pinakahuling laban kontra ONIC Philippines kung saan inilabas niya ang full tank build ng hero.

Nagbigay naman ng magandang tip ang batikang jungler sa mga nagsisimula pa lamang maglaro at gustong matutunan kung paano gamitin ang Karina sa Mobile Legends. “Ang tip ko sa mga bagong mga gumagamit ng Karina is kuhanin niyo lagi yung Turtle and mag-invade kayo sa kalaban kapag kaya para ma-maximize yung early tempo ng hero.”

Hindi lamang kung paano gamitin ang Karina ang matututunan ninyo kung susubaybay kayo sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Bakit ginagamit na ang Jungle Emblem at Demon Slayer talent ng MPL PH players