Nanatili sa tuktok ng standings ang RRQ Hoshi sa pagtatapos ng Week 2 ng MPL Indonesia Season 9, ngunit ilang fans pa rin ang dismayado dahil sa pagkatalo nila sa defending champion at karibal na ONIC Esports.

Malungkot din ang karamihan sa kanilang taga-suporta at Indonesian MLBB followers dahil hindi pa rin pinapalaro ang beteranong all-around player na si Muhammad “Lemon” Ikhsan.

Nakapigbay ang iconic figure ng napakaraming titulo para sa King of Kings at dahil nagpahinga siya sa nakaraang dalawang season ay talaga namang hinihintay ang pagbabalik niya sa competitive stage.

Marami tuloy ang nagtatanong, ano kaya ang mga posibleng dahilan kung bakit ‘di pa rin pinapalaro si RRQ Lemon sa gumugulong na season?


3 posibleng dahilan kung bakit ‘di pa rin pinapalaro si RRQ Lemon sa MPL ID Season 9

Binibigyan ng RRQ Hoshi ng playing time ang kanilang rookies

Credit: RRQ

Hinugot ng RRQ Hoshi ang tatlong bagitong manlalaro na sila Aether, Yummy at Violence mula sa kanilang MDL team at ipinasok sa kanilang lineup para sa MPL ID Season 9.

At dahil kinokonsidera ang kanilang main five na makasali sa Indonesian national team selection para sa SEA Games, binibigyan ng RRQ ang tatlong rookies ng sapat na playing time upang masanay sa liga.

Dagdag pa rito, mahalaga ang pag-develop sa mga young guns para sa pangmatagalang tagumpay ng koponan. Hindi naman palaging nandyan ang star players at may panahon na lilipas din ang kanilang kinang. Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit ‘di pa rin pinapalaro si RRQ Lemon sa MPL ID Season 9.


On-fire si Skylar sa ngayon

Credit: Moonton

Noon MPL ID Season 7 kung kailan huling naglaro si Lemon, bumida siya bilang isang gold laner. At sa kasalukuyang season, inaasahan na ito pa rin ang kanyang role.

Ngunit sa unang dalawang linggo ng Season 9 ay si Skylar ang first-choice ni coach Adi Syofian “Acil” Asyauriat at hindi niya binigo ito. Umani ng papuri ang kanyang performance gamit ang Beatrix at pinangalanan pa nga siyang unang MVP of the Week ng tumatakbong season.

‘Di na kataka-taka kung mananatili sa starting five ang on-fire na Skylar at pwedeng isa ‘to sa mga dahilan kung bakit ‘di pa rin pinapalaro si RRQ Lemon.


Si Lemon ang ultimate ng RRQ Hoshi

Credit: Instagram account ni Lemon

Binigyan ng palayaw na “Alien” si Lemon dahil sa kanyang malupit na paggamit ng non-meta heroes. Dahil sa special skill niya na ito, nalilito ang kalaban kung anong stratehiya ang gagamitin ng RRQ Hoshi ‘pag pinapalaro nila si Lemon. Kaya naman swak siyang maging ultimate weapon ng koponan.

Katulad ng nangyari sa MPL ID Season 7, maaaring palaruin lang siya sa mga espesyal na pagkakataon ngayong season kung saan kakailangan ng RRQ Hoshi ang kanyang matinik na abilidad.


I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita, features at guides tungkol sa MPL at MLBB.


Basahin ang orihinal na artikulo mula sa ONE Esports Indonesia.