Kasabay ng paglago ng hero pool ng Mobile Legends: Bang Bang ang patuloy din na pagbabago ng meta sa MLBB Professional League (MPL). Ngunit kahit ilang season na ang lumipas at ilang bansa na rin ang nagkaroon ng sarili nilang paliga, nananatili pa ring malakas sa MPL meta si Chou.

Halimbawa na lang ang gumugulong na MPL PH Season 9. Matapos ang unang tatlong linggo ng regular season nito, pinangungunahan ng hero ang priority pick category matapos itong mapili sa blue side ng walong beses, habang 12 beses naman sa red side.

May 24 beses na itong na-pick at gayun din ang dami ng bilang ng ban nito. Kasama rin si Chou sa limang hero na may pinakamataas na win rate (66.67%) bago dumako sa ika-apat na linggo ang naturang liga.

Pero bakit nga ba hindi maalis sa MPL meta si Chou? Narito ang palagay ng MPL PH analyst na si Caisam “Wolf” Nopueto.


4 na dahilan bakit nanatiling malakas sa MPL meta si Chou

Flexible sa draft

4 dahilan bakit hindi maalis sa MPL meta si Chou
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Ito marahil ang pinakamalaking dahilan kung bakit pasok pa rin sa MPL meta si Chou. Binibigayan kasi ni Chou ang koponan ng kakayahan para ma-adjust ang kanilang draft depende sa ibabato ng kanilang kalaban.

Bagamat mas madalas makitang punan ni Chou ang mga role ng mid at roam, wala ring problema kung ilalagay siya sa EXP lane o gold lane.

Napatunayan din ng RSG PH noong laban nila kontra Blacklist International na may potensyal ang jungle Chou matapos nitong laruin ni Jonard “Demonkite” Carando nang naka-Demon Slayer na jungle emblem.


Flexible ang item build

Gaya ng kanyang role, flexible din ang item build ni Chou.

Tamang War Axe, Blades of Despair, ‘tsaka Malefic Roar kung mabibigyan ng mas mataas na role.

Brute Force Breastplate, Dominance Ice, o Antique Cuirass naman kung ilalagay sa mid o roam.

Pero rin nakakulong sa role ni Chou ang kanyang item build. Pwede niya punan sa pamamagitan ng kanyang buo ano man ang kailanganin ng kanyang koponan, mapa damage o pampakunat.


Maraming crowd control

4 dahilan bakit hindi maalis sa MPL meta si Chou
Credit: Moonton

Malaking factor sa pagiging flexible ni Chou ang kanyang mga ability.

Meron siyang AOE na stun mula sa Jeet Kune Do at single-target at reliable lockdown sa The Way of Dragon. Bukod pa sa disabling component ng kanyang ultimate, hindi rin matatawaran ang kakayahan nitong baguhin ang positioning ng tatamaang kalaban.

Kung may bagay na hindi mababago sa meta ng mga laro gaya ng MOBA, ito ang mga crowd control ability.


Solid ang mobility

4 dahilan bakit hindi maalis sa MPL meta si Chou
Credit: Moonton

Bukod sa CC, kumpleto rin sa dash at mobility ang skillset ni Chou.

Lalong naging bentahe ito ni Chou noong nasemento ang role ng mga jungler. Kayang-kaya na kasi niya manggulo sa mga buff at makatakas bago marespundehan.

Pinaganda rin sa patch 1.6.18 ang Jeet Kune Do dahil mas malawak na obstacle na ang kaya niyang tawirin.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL PH, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 MPL PH Season 9 rookies na agad nalampasan ang expectations sa kanila