Tatlong linggo pa lang ang nagdaan sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9, pero nakasaksi na tayo agad ng mga umaatikabong bakbakan sa Land of Dawn.

Sa mga laban na ito, pinatunayan ng ilan sa mga MPL PH Season 9 rookies na kaya nilang makipagsabayan sa pinakamagagaling na MLBB players sa rehiyon mgaing sa mga beterano na ng liga.

Narito ang tatlong bagito na agad nagpasiklab sa gumugulong na season.


MPL PH Season 9 rookies na nagpakitang-gilas at nalampasan ang expectations

MP the King (Nexplay EVOS)

Credit: MP the King

Dumaan sa “baptism by fire” si Michael “MP the King” Endino sa kanyang MPL PH debut nang harapin ng Nexplay EVOS ang mga beterano ng ONIC PH sa unang linggo. Pero walang kakaba-kaba ang dating amateur star upang matulungan ang NXPE na walisin ang M3 World Championship runner-up.

Tumikada siya ng 6/1/4 KDA record sa kanyang Karina sa unang laro at ng perpektong 2/0/0 stat line gamit naman ang Roger sa ikalawa. Malaki rin ang ginampanan niya sa kanilang panalo kontra sa world champs na Blacklist International at Bren Esports sa sumunod na linggo.

Sa lahat ng MPL PH Season 9 rookies, si MP the King na marahil ang pinaka-exciting na panoorin.


Escalera (TNC)

Credit: MPL Philippines

Nasa MPL Philippines ang ilan sa pinakamalalakas na midlaners sa buong mundo. Pero hindi nagpatinag ang rookie support ng TNC na si Jomarie “Escalera” Delos Santos.

Sa kanyang debut laban sa MSC 2021 champion na Omega Esports, kalmadong laro ang ipinamalas ni Escalera sa kanyang signature hero na Selena para makapagtala ng malinis na 2/0/10 KDA at tulungan ang kanyang koponan na makakuha ng surpresang 2-0 sweep. Kilala rin si Escalera sa kanyang paggamit ng Kagura at Yve.

Ang kanyang map awareness at abilidad na gumawa ng plays para sa kanilang jungler na si Daniel “SDzyz” Chu ay nagpapakita ng kanyang potensyal bilang isa sa mga mahuhusay na MPL PH Season 9 rookies.


Kramm (TNC)

Credit: TNC Kramm

Isa pang rookie mula sa TNC, unang naglaro si Mark “Kramm” Rusiana para sa STI E-Olympians sa The Nationals Season 3 kung saan itinurang siyang isa sa mga main gunners ng kanyang koponan. Bumibida siya bilang EXP laner ng Phoenix Army at makailang-ulit nang itinanghal na match MVP sa kanilang mga panalo.

Patunay sa kanyang angking galing ang papuri sa kanya ni TNC captain-roamer Ben “Benthings” Maglaque sa isang interview kasama si MPL host Mara Aquino. Sinabi ni Benthings na sa laht ng bagito sa kanilang koponan, si Kramm ang talagang pinaka-kumikinang.

Kung ipagpapatuloy niya ang kanyang magandang laro na madalas makita sa kanyang signature Esmeralda, malaki ang tsansa ni Kramm na makalaban para sa Best Rookie award ngayong season.


Para sa mga istorya patungkol sa MPL Philippines at Mobile Legends sa kabuuan, maaari niyong subaybayan ang mga ito sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Base ito sa artikulo ni Jules Elona ng ONE Esports.