Hindi makadadalo sina Michael “MobaZane” Cosgun at ang kaniyang BloodThirstyKings (BTK) sa darating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023), pagsasapinal ng komite ng torneo Lunes ng hapon.

Ayon sa inilabas na opisyal na pahayag sa social media, bigo ang 2023 North America Challenger Tournament (NACT) Spring Split Champions na maipasa ang basic requirements na nakatakda sa tournament rules.

Credit: Moonton

Bakit wala ang BTK sa MSC 2023

Base pa rin sa inilabas na patalastas, ipinunto ng komite na bigo ang BTK na matugunan ang requirements base sa MSC rule 3.1.1 at 5.2.3.

“Per MSC rule 3.1.1, “each team is required to maintain a minimum of 7 members, including one coach and five players (starter) and one substitute, throughout the tournament.”

Base naman daw sa rule 5.2.3, “Players’ rosters need to be the same as the team that qualified for MSC 2023 in MPL or other local qualifications unless there is a force majeure before the roster lock date that necessitates a change.”

Credit: Mobile Legends Esports

Sa kasamaang palad, may isang miyembro raw ng BTK na walang valid passport, habang ang isa naman ay hindi nabigyan ng pahintulot ng kaniyang guardian para makadalo sa nasabing torneo, ang dalawang pangunahing sagabal sa kwalipikasyon sana ng team ni MobaZane.

Samantala, tinanggap naman ng runner ups ng 2023 NACT Spring Split na Team Outplay ang alok na makalahok sa darating na international event sa Phon Pehn, Cambodia na gaganapin ngayong Hunyo.

Para sa marami pang MLBB esports news, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Jaypee, Zaida palalakasin ang ECHO main 5 sa MSC 2023