Dalawang linggo matapos opisyal na maglaro para sa hanay ng Geek Fam sa MPL Indonesia Season 10, batid ng Pinoy MLBB superstar na si Allen “Baloyskie” Baloy ang kaibahan ng kultura at galawan sa ID kumpara sa MPL PH.

Partikular na ipinunto ng ex-ONIC PH captain ang bilang ng oras na iginugugol ng kaniyang teammates sa pag-eensayo na tumatagal ng hanggang sampung oras kada araw. Ito ang tugon niya ng kapanayamin siya ng ONE Esports matapos tulungan ang kaniyang team biguin ang Rebellion Zion sa Week 2 ng regular season.

Credit: ONE Esports

Kuwento niya, “Since the first time in Indonesia (sa Geek Fam ID), I was quite surprised to see the hard work of Indonesian players in practicing mechanics. When I sleep, they are playing. When I wake up, they are still playing.”

Ito daw para sa kaniya ang dahilan kung bakit mahusay ng mga players sa Indonesia sa larangan ng micromechanics, kaiba sa mas macro na galawan ng mga Pinoy. “That’s why Indonesian players are very good in terms of mechanics, while Filipino players are better at macro because this is a top priority. We prefer to learn about macros rather than micro (mechanics),” pagtutuloy ni Baloyskie.

Credit: MPL ID

Sa usapin tungkol sa pagkakaiba ng mentalidad at galawan ng players, idiniin muli ng ngayon ay kapitan na ng Geek Fam ID ang nauna niyang binanggit. “I believe that Filipino players have advantages in terms of macro, while Indonesian players are very good in terms of mechanical skills.”


Baloyskie inaming masaya sa atmosphere na mayroon sa MPL ID

Credit: ONE Esports

Bukod sa practice hours at kaibahan sa galawan ng mga players mula sa dalawang rehiyon, binanggit din ni Baloyskie na mas masigasig daw ang fans sa bagong liga niyang kinabibilangan.

Ito rin daw ang rason kung bakit nais niyang maglaro sa MPL ID noon pa, at kung bakit masaya siya sa kinalalagyan niya ngayon.

“The fans here are amazing. I really like their energy, even though we don’t have many fans. I love the atmosphere of playing here,” paglalahad ng dekoradong MLBB pro.

Credit: ONE Esports

Ngayong mataas ang morale ni Baloyskie kasabay pa ng namumuong chemistry niya kasama ang kaniyang bagong team, maraming fans ang umaasa na matutulungan niya ang koponan na maibaling ang masalimuot nitong tadhana sa MPL ID.

Sundan ang pinakahuli sa MPL sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Geek Fam ID owner kumpyansa sa kanyang team sa MPL ID S10, ano ang dahilan?