Sa MPL ID S10, may kakaibang kapangyarihang taglay ang Geek Fam ID na wala dati. Meron ding mga pagbabago na naganap bago magsimula ang bagong season, kung kaya’t panatag ang Geek Fam ID owner, na si Lim Keat Kuang, sa potensyal ng kanyang team para sa season na ito.

Magmula nang maging isang franchise league ang MPL ID, hindi pa nakakapasok sa playoffs ang Geek Fam. Nagsimula ring humina ang kanilang performance, hanggang sa hindi na sila makakuha ng maski isang panalo s MPL ID S9.

Ngayon sa MPL ID S10, maraming pagbabagong ginawa ang Geek Fam sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bagong mukha upang maging miyembro ng team, kabilang dito ang eksperiyensadong player mula sa Pilipinas na si Allen “Baloyskie” Baloy. Magandang simula ito para sa team na makakatulong sa kanilang muling pagbangon sa bagong season.

Geek Fam ID Baloyskie
Source: Instagram/MPL ID

Sa unang dalawang matches sa MPL ID S10, muling nakatanggap ang Geek Fam ng pagkatalo sa kamay ng RRQ Hoshi at Alter Ego. Gayunpaman, nagpakita sila ng potensyal sa pag-improve kumpara sa nakaraang season.

Tungkol dito, ninais malaman gn ONE Esports kung gaano kalaki ang potensyal at kumpyansa ng Geek Fam ID owner, na umaming nagpapakita ang team ng positive improvement.

Geek Fam ID owner Lim Keat Kuang MPL ID S10
Credit: ONE Esports

“Even before the first game (vs. RRQ Hoshi), my confidence was already up. Our team is already working really hard in the preseason in building chemistry, overcoming language and cultural barriers. It’s not easy to bring in a new player, even though he’s a great player, to get used to our culture,” sabi ni Lim Keat Kuang sa ONE Esports.

“After we saw the (pre-season) results, how they discussed, even by seeing them have dinner together, joking and stuff, that’s where my confidence came from. It’s all about the process of how this team works hard.”

“I think we’re going to be a lot better than we were last season. I’m not sure if we’re going to be champions, but I’m sure they’re going to get better,” sabi niya.


Ang potensyal ng Geek Fam ID sa MPL ID S10

Geek Fam ID owner Lim Keat Kuang MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Ang pagsali ni Baloyskie at ilang mga bagong mukha sa team ay naghatid ng mas maayos na gameplay para sa Geek Fam kumpara sa huling season. Ngayon ay mas malinis na ang kanilang laro at mas agresibo.

Naging kapansin-pansin ito, lalo na noong unang game ng match laban sa RRQ Hoshi. Nagtagumpay silang pahirapan ang mga defending champions, bagama’t sa pagtagal ay nag-ibayo ang lakas ng mga kalaban laban sa Geek Fam.

Dahil sa performance na ipinakita ng Geek Fam ay muling nabuhay ang pag-asa ng mga MLBB fans na nanonood ng MPL ID S10.

Lalo na sa pagpasok ng mga player mula sa Pilipinas, marami ang umaasa sa magndang ipapakita ng Geek Fam sa mga susunod na laban sa liga.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.