Si Beatrix ay isa sa mga pinakamalakas na marksman sa Mobile Legends: Bang Bang, isa rin siya sa top 5 most picked heroes sa kasalukuyang MPL PH Season 9 at isa rin sa mga nangunguna pagdating sa win rate.

Kung kaya’t lumikha kami ng Beatrix guide para sa mga nagnanais na matutong gumamit sa Dawnbreak Soldier.

MLBB Beatrix X Factor skin
Credit Moonton

Mga kalamangan at kahinaan ni Beatrix

Mga kalamangan

  • Kakaibang gameplay
  • Ubod ng lakas na damage
  • Hindi nangangailangan ng mana
  • Mataas na carry potential
  • May blink skill
  • Kayang magbitaw ng dalawang magkasunod na ultimate
  • Kakayahang umatake ng mga turrets sa labas ng range ng mga ito

Mga kahinaan

  • Kailangang pagtuunan ng oras upang maintindihan at makasanayan
  • Madaling ma-counter
  • Mahina sa pagtanggap ng burst damage
  • Umaasa sa mga items na nangangailangan ng sapat na gold

Paano gamitin ang mga skills ni Beatrix?

Si Beatrix ay merong higit sa isang passive skill, kaya’t makakabuti na maging pamilyar sa mga gamit ng bawat isa sa kanila.

Need Backup

Kapag nakatakas na mula sa laban nang 3 segundo, maaaring tawagin ni Beatrix ang kanyang butler na si Morgan upang magbigay ng backup weapons crate.

Makakapamili si Beatrix ng dalawang weapons mula sa crate bilang kanyang primary at secondary.

Maaabala ang kanyang pagpili kapag gumawa siya ng kahit anong galaw o kung siya ay ma-control.

Mechanical Genius

Dahil sa kanyang kakaibang talent sa larangan ng mechanics, kaya ni Beatrix na gumamit ng 4 na weapons na may matinding firepower.

  • Renner (Longshot) – naglalabas ng malakas na shots sa direksyon ng kalaban, na nagbibigay ng (+360%-535% Total Physical Attack) Physical Damage sa unang target na tatamaan (maaari itong mailagan o masalag ng iba. Nagbibigay ng 50% damage sa mga creeps).
  • Bennett  (Area Bombing) – mamili ng lokasyon na bobombahin, nagbibigay ng (+180%-320% Total Physical Attack) Physical Damage sa lahat nang kalaban sa area at nagbibigay ng 30% slow effect sa loob ng 0.5 segundo (Nagbibigay ng 50% damage sa mga creeps).
  • Wesker (Proximity Advantage) – Nagbubuga ng limang shots sa target, ang bawat isa ay nagbibigay ng (+125%-195% Total Physical Attack) Physical Damage (ang damage na nakukuha ng target na tinamaan nang maraming beses ay bumababa sa 40%. Nagbibigay ng 50% damage sa mga creeps).
  • Nibiru (Rapid Fire) – Nagpapakawala ng apat na shots, ang bawat isa ay nagbibigay ng (+50%-67.5% Total Physical Attack) Physical Damage (Nagbibigay ng 50% damage sa mga creeps).

Masterful Gunner (Skill 1)

Passive: Makakapagdala si Beatrix ng dalawang weapons nang sabay, at madadagdagan ang kanyang Physical Attack ng 5-30.

Active: Kakailanganin ni Beatrix ng 0.6 segundo upang magpalit sa pagitan ng kanyang dalawang weapons, na nagbibigay ng bagong paraan para umatake at mag-ultimate.

Tactical Reposition (Skill 2)

Ito ay ang kanyang blink skill na nagbabago ang animation depende sa kung anong gamit nyang weapon, na nagkakaron ng full reload.

Ultimate

  • Renner’s Apathy – Nagbibigay ng 700-2300 (+280% Total Physical Attack) Physical Damage sa unang kalaban na tatamaan. Ang skill na to ay may 50% Physical Lifesteal, ngunit hindi apektado ng Spell Vamp. Maaaring umasinta si Beatrix nang hanggang 20 segundo.
  • Bennett’s Rage – Nagpapaulan ang bomba sa isang area nang limang beses. Ang bawat bomba ay nagpapabagal sa kalaban ng 30% at nagbibigay ng 580-980 (225% Total Physical Attack) Physical Damage sa mga kalabang tatamaan (ang damage na nakukuha ng target na tinamaan nang maraming beses ay bumababa sa 20%). Ang skill na to ay may 25% Physical Lifesteal, ngunit hindi apektado ng Spell Vamp.
  • Wesker’s Elation – Itinataas ni Beatrix ang Wesker at nagpapakawala ng mga ultra-bullets na nagbibigay ng 295-445 (110% Total Physical Attack) Physical Damage sa bawat beses na tumama ito sa kalaban (ang damage ng sunod-sunod na tama sa parehong kalaban ay bumababa ng 25% ngunit hindi bababa sa 25% ng base damage). Ang skill na to ay may 50% Physical Lifesteal, ngunit hindi apektado ng Spell Vamp.
  • Nibiru’s Passion – Nagpapaulan si Beatrix ng mga bala mula sa Nibiru na nagbibigay ng 200-320 (60% Total Physical Attack) Physical Damage sa bawat tama nito. Ang skill na to ay may 25% Physical Lifesteal, ngunit hindi apektado ng Spell Vamp.

Spell Builds ni Beatrix

Flicker

Magandang gamitin ang Flicker para sa dagdag na mobility. Ang Skill 2 ay ginagamit na pang engage, habang ang flicker naman ay pantakas.

Purify

Maaari ding gamitin ang purify bilang escape option lalo na kung mabigat ang crowd control ng kalabang team.

Credit: Moonton

Emblem para kay Beatrix

Epektibo ang Marksman emblem para kay Beatrix. Gamitin ang talent points sa Greed (physical lifesteal) at Swift (attack speed). Gamitin din ang Electro Flash para sa dagdag na movement at HP.

Pwede rin ang Assassin emblem na may Killing Spree tulad ng gamit ng Blacklist International gold laner na si OHEB.

Item build ni Beatrix

Sustained DPS

  • Haas’ Claws
  • Swift Boots
  • Blade of Despair
  • Demon Hunter Sword
  • Immortality
  • Rose Gold Meteor

Attack Speed Effects

  • Demon Hunter Sword
  • Swift Boots
  • Golden Staff
  • Corrosion Scythe
  • Blade of Despair
  • Immortality

Jungle

  • Haas’ Claws
  • Flame Hunter’s Swift Boots
  • Blade of Despair
  • Demon Hunter Sword
  • Immortality
  • Brute Force Breastplate

Build ni OHEB

  • Blade of Despair
  • Warrior Boots
  • Demon Hunter Sword
  • Brute Force Breastplate
  • Malefic Roar
  • Immortality
MLBB Blacklist International OHEB Beatrix
Credit: Moonton

Mga skill combos ni Beatrix

Sa dami ng mga weapons na nagagamit ng Dawnbreak Soldier, maraming posibleng combos ang pwede niyang magawa. Narito ang ilan sa kanila.

Wesker Combo – Basic attack, ultimate, basic attack

Ito ay isang simpleng combo kung saan dapat manatili kang malapit sa kalaban para sa mas malkakas na damage. Ang paggamit ng ultimate sa pagitan ng dalawang basic attacks ay nagtatanggal ng delay.

Double Ulti Combo – Ultimate, Skill 2, Skill 1, ultimate

Maari itong gamitin kung ang bitbit mong weapons ay Wesker-Nibiru o Bennett-Nibiru. Kapag handa na ang ultimate ng dalawang weapons, pwede nang pakawalan ang combo na ‘to.

Strategy sa paggamit ng Beatrix

Gamitin ang Wesker sa farming at mga duels dahlia sa binibigay nitong close combat advantage, pwede kang maging agresibo gamit ang level 1 nito, Pag naubusan ka ng bala, gamitin ang Skill 2 upang makapag-reload.

Gamitin lamang ang Renner sa mga malalayong kalaban, huwag sa mga malalapit dahil madaling iwasan ang basic attacks nito.

Maaaring gamitin ang Renner ultimate upang mag-clear ng mga minion waves. Ang basic attacks ng Renner at Bennett ay pwedeng gamitin sa mga turrets nang hindi pumapasok sa range ng mga ito, gamitin kung kinakailangan.

Kung roaming ka, siguraduhing Wesker o Nibiru ang gamit mong Primary weapon.

Ang Bennett at Nibiru ay maaaring gamitin sa anumang sitwasyon dahil sa laki ng damage na nagagawa ni Beatrix gamit ang mga ito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.