Bagamat batid na ang lakas ng Beatrix sa pro play, ipinakita ng Blacklist International Gold laner na si Kiel “OHEB” Soriano ang tunay na tikas ng nagbabalik na hero sa world stage.

Tunaw sa Beatrix ni OHEB ang tangka ng Bedel ng Turkey at ng Malvinas Gaming ng Latin America sa Day 1 ng M3 Group Stages, kung saan hinirang siya bilang MVP sa magkasunod na laro dala ng kaniyang malahalimaw na 13/1/2 at 7/0/4 KDAs.

Pero paano nga ba diniskartehan ng gold laner ang marksman hero? Heto ang OHEB Beatrix Build na sumagasa sa kompetisyon sa Day 1 ng M3 Group Stages:


OHEB Beatrix Build sa gold lane

OHEB Beatrix Build
Credit: Moonton

1. Blade of Despair

2. Warrior Boots

3. Demon Hunter Sword

4. Brute Force Breastplate

5. Malefic Roar

6. Immortality

Mapapansin sa OHEB Beatrix Build na ito ang prayoridad sa pagkuha ng Blade of Despair. Ito ay dahil early game to mid game pa lamang ay sumasama na si OHEB sa mga team fights, alinsunod na din sa Ultimate Bonding Experience Strategy (UBE Strat) ng Blacklist International.

Swabe ang kombinasyon ng item priority na ito sa kit ng hero, dahil sa bawat putok ng mga baril ng Beatrix ni OHEB, lapnos sa adisyunal na 160 phyiscal attack ang kalaban.

Makikita din na pagdako sa ikaapat na item, defensive item na ang pinipili ng gold laner para sa kaniyang Beatrix.

Perpekto ang Brute Force Armor kontra sa attack damage heroes ng kalaban, habang binibigyan din ang kaniyang marksman ng adisyunal na movement speed para makaposisyon sa mga team fights.

Karagdagang physical penetration at damage ang dala ng Malefic Roar na binuo ni OHEB bilang ikalimang item, at bilang paghahanda sa atake ng kalaban sa late game ay binigyan niya ng espasyo ang Immortality para sa ikahuling item. Sa pagdagdag ng mga items na ito, balanse ang damage at defensive items ng OHEB Beatrix Build.


Battle Spell at Emblem ng Beatrix ni OHEB

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Para sa kaniyang battle spell, pinili ng Blacklist superstar na gumamit ng Flicker na talaga namang mas nagpadulas sa kaniyang marksman sa gold lane.

Dahil sa spell na ito, nabigyan ng gold laner ng karagdagang mobility ang kaniyang Beatrix para lusutan ang tangka ng mga kalaban, gayundin para pumosisyon sa pagkuha ng mga kills.

Mapapansin na hindi takot umabante ang Beatrix ni OHEB lalo na kapag nabuo na niya ang mga kaniyang mga items, kaya naman talagang malaking bahagi ang Flicker sa laro g Beatrix sa gold.

Sa kabilang banda naman, Killing Spree ang emblem na kinuha ni OHEB para palakasin lalo ang kaniyang physical attack damage at maka-regenerate ng health kapag nakakapitas.


Subukan ang OHEB Beatrix Build na ito at ibahagi sa amin ang inyong mga karanasan sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: M3 World Championship: Schedule, format, scores, teams, at saan mapapanood