Wagi ang ECHO sa unang series ng Week 5 Day 3 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Sa laban ng tubig at apoy, namayagpag ang ECHO kontra sa TNC Pro Team nang tapusin ng mga dolphins ang game three sa isang split push kasabay ng pagtatapos ng series sa score na 2-1.

Isa sa mga key players ng ECHO ay ang gold laner na si Frederic Benedict “Bennyqt” Gonzales, na nagmistulang isang bagyo na tumapos sa series gamit ang kanyang Chou.

MLBB MPLPHSeason8 ECHOVsTNC Stats Game3
Credit: MPL PH

Pero ang kumuha ng atensyon ng marami ay ang paggamit nya ng Argus sa game one, dahil ito ang unang pagkakataon na ginamit ang hero na ito sa MPL PH Season 8. Sa kabila ng kakaibang hero pick, mahusay na nagamit ni Bennyqt si Argus at tinanghal na MVP ng unang game na may KDA na 6/1/8.

MLBB MPLPH Bennyqt MVP
Credit: MPL PH

Sa post-match interview, ipinaliwanag ni Bennyqt ang dahilan kung bakit nya ginamit ang Dark Angel na si Argus kahit na walang masyadong gumagamit nito. “Para sakin po, hindi naman basehan po kung may gumamit po ba o wala,” sabi ni Bennyqt. “Ang ano po [basehan ay] yung effectivity po. Effective naman po sya.”

Ikinwento rin ni ng ECHO gold laner na subok na nila ang Argus pick sa scrims at ranked games kung kaya’t confident sila na ilabas ito.

“Ginamit po namin sya sa ranked games namin and sa scrims, and successful naman po sya and almost hindi natatalo. Kaya nilabas po namin sa MPL.”

Susunod na makakalaban ng ECHO ang Nexplay EVOS sa October 1, 6:00 p.m. GMT+8.

Mapapanood ang mga matches nang live sa opisyal na Facebook channel ng MPL Philippines.