Mas marami na ngayong incentives kapag gagamitin mo ang iyong diamonds sa Magic Wheel sa Mobile Legends: Bang Bang!
Ito ay karugtong ng anunsyo ng Moonton ukol sa Magic Wheel rework na karga ang maraming pagbabago sa sikat na in-game gacha.
Ang mga pagbabagong ito ay pagugulungin ngayong August 8 at magtatampok ng bagong mga reward bukod sa Legend skins at Epic skins na mayroon na dito.
- I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends
- Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Helcurt sa Mobile Legends
Exclusive in-game rewards makukuha pagkatapos ng Magic Wheel rework sa Mobile Legends

Sa kasalukuyan, Magic Crystals ang ginagamit ng players para maka-redeem ng Legend skins sa Magic Shop.
Gayunpaman simula August 8, tatanggalin na ang Magic Crystals sa laro at papalitan ng Magic Cores. Hindi dapat mangamba ang mga manlalaro ukol dito dahil ang mga nakuhang Magic Crystals at Magic Points ay mapapalitan ng katumbas na Magic Cores.
May pagkakataon ang players na makakuha hindi lamang ng skins gamit nito. Maaari ding makakuha ng exclusive trail effects para gawing mas kapanapanabik ang gameplay sa Land of Dawn.

Malaki itong kaibahan sa dating mechanic ng Magic Wheel sapakagat matatandaan na maaari lamang makuha ang trail effects sa Starlight o kung di kaya naman ay sa limited-edition events.
Kasabay ng adisyon ng bagong rewards, makakatanggap din ng unique custom actions ang walong Legend skins na kasalukuyang available sa nasabing gacha game.
Sundan sa Facebook ang ONE Esports Philippines para sa iba pang balita at updates ukol sa MLBB.
BASAHIN: Durugin si Ling sa Mobile Legends gamit ang 3 hero counters na ‘to