Naging usap-usapan kamakailan ang pagkuha ng Bigetron Alpha kay Calvin “Vyn”. Ito ay isang malaking paglipat na positibong tinanggap ng mga Bigetroopers, ngunit kung iisipin natin, kailangan ba talaga ng BTR ng roamer?

Tulad ng kaalaman ng marami, ang posisyon ng roamer sa Bigetron ay matibay at okupado na. Mula nang sumali si Hengky “Kyy” Gunawan, hindi na siya naalis sa posisyon na ito sa kabila ng maraming pagbabago sa roster ng koponan.

Bigetron Alpha Vyn
Credit: Bigetron TV

Maari siyang ituring bilang isang icon ng Bigetron dahil sa kanyang kamangha-manghang husay. Nang umalis sina Branz, Dreams, at Renbo, si Kyy ang natitirang beterano ng koponan.

Sa pagpasok ni Vyn sa team, merong mga tanong na nabuo sa isip ng mga fans. Ano nga ba ang tunay na dahilan ng Bigetron sa pagkuha sa roamer? Ano ang mangyayari kay Kyy sa hinaharap?

Kinumpirma naman ng Bigetron CEO na si Edwin “Starlest” Chia na hindi sa anumang paraan mawawala si Kyy at mananatili siya sa koponan.


Coach Aldo ipinaliwanag ang pagkuha ng Bigetron Alpha si Vyn

Bigetron Alpha Vyn
Credit: Bigetron

Ang rason sa Red Robot squad sa pagkuha kay Vyn ay bahagyang natuklasan sa video ng kanilang pahayag tungkol sa paglipat ng player. Ang koponan ay nangangailangan ng isang lider at beterano sa gitna ng maraming batang manlalaro.

Ngunit nagpaliwanag ang coach na si Ronaldo “Aldo” Lieberth nang mas detalyado tungkol sa mga dahilan ng Bigetron sa pagkuha sa bagong roamer.

“BTR can now be considered a very young team in terms of age and experience, so we need a veteran figure who can provide a positive impact for the young players in the roster,” sabi ni Aldo sa kuha ng Revival TV.

Bigetron Alpha Coach Aldo
Credit: ONE Esports

“We believe Vyn can provide that impact. As for who initiated (the arrival of Vyn), it was more of a discussion among all parties.”

“It can be concluded in one word (about Vyn), professional. There was an opportunity to work together during last year’s SEA Games, and his leadership spirit was strongly felt both in-game and out-game,” sabi ng dating coach ng ONIC Esports.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.