Sa kasalukuyan, si star tank-roamer Calvin “Vynnn” ay hindi maaaring mapalitan na manlalaro ng RRQ Hoshi. Dagdag sa kanyang mga katangian bilang isang mabuting lider, mataas din ang kanyang kakahayan sa paggawa ng kanyang trabaho bilang isang tank player.

Alam na alam ng karamihan sa mga fans ng MPL Indonesia kung gaano kalakas si Vynnn sa pangunguna sa RRQ Hoshi lalo na kapag gamit niya ang kanyang signature hero na Franco.

Pero alam mo ba na ang importanteng manlalaro na ito ay minsan nang napunta sa transfer list ng RRQ at kamuntikan nang lumipat ng koponan?


Ang transfer rumors kay Vynnn

Vynnn
Credit: Instagram account ni Vynnn

Unang kumalat ang isyu patungkol sa posibleng transfer ni Vynnn sa pagtatapos ng MPL ID Season 8. Noong panahong iyon, may nag-leak na pag-uusap sa pagitan nila Aldean “DeanKT” Tegar, ang Head of Esports sa EVOS, at isang staff ng RRQ Hoshi.

Pero marami ang tumanggi sa kumakalat na balita, katulad na lang ni EVOS Legends captain Gustian “REKT” at si DeanKT mismo.

Malabo ring lumipat noon ang star player ng RRQ dahil mahirap siyang palitan at kakatanggap niya lang din ng titulo bilang Best Roamer ng MPL ID Season 8.


Nagkaroon ng oportunidad na lumipat si Vynnn sa EVOS Legends

Credit: Redzi Arya/ONE Esports

Isang taon ang makalipas, isang nakakagulat na kuwento ang lumabas, Sa isang interview sa EMPETALK, ibinunyag ni Vynnn na naging in-demand siya sa ibang mga koponan at napunta siya sa transfer list ng RRQ Hoshi. Sa katunayan, dumaan siya sa trial sa isa sa mga interesadong koponan.

“Kala itu EVOS Legends hanya sebatas menunjukkan ketertarikan. Tapi di sana nama saya memang masuk transfer list. Saya juga sempat melakukan trial di tim lain (Noong mga oras na ‘yon, limitado lang ang EVOS Legends sa pagpapakita ng interes. Pero talagang nasa transfer list ang pangalan ko. Nag-trial pa nga ako sa isang koponan),” pahayag ni Vynnn.

Inilahad din ng RRQ player mula pa noong Season 4 na malaki ang posibilidad noon na lumipat siya ng organisasyon.

Tinanong siya Jonathan Liandi, “Jika di saat itu EVOS Legends serius, apakah anda akan pindah? (Kung seryoso ang EVOS Legends noon, lilipat ka ba?)”

Sagot naman ni Vynnn, “Sebenarnya kepindahan saya di waktu itu mungkin saja terjadi karena seusai MPL ID Season 8, saya membutuhkan suasana baru, kekalahan di musim itu benar-benar membuat saya stres (Sa totoo lang, posible talaga ang paglipat ko noon dahil pagkatapos ng MPL ID Season 8, kinailangan ko ng panibagong atmosphere at masyadong akong na-stress sa pagtakalo namin noong season na ‘yon).”

Para sa Mobile Legends: Bang Bang news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa akda ni Alfa Rizki ng ONE Esports Indonesia.