Hindi nagpatumpik-tumpik ang Blacklist International sa kanilang debut sa MPL Invitational 2021 matapos gibain ng mabilis ang panghas na Bigetron Alpha, 2-0 para umangat sa semifinals ng international na torneyo.

Nagpabilib sa quarterfinals serye ang Blacklist gold laner na si Kiel “OHEB” Soriano na hinakawan ang kaniyang Alice sa game 1, habang binalagbag naman ni Danerie “Wise” Del Rosario ang kalaban sa kaniyang signature Aldous sa game 2.


Alice ni OHEB, Aldous ni Wise susi sa abante ng Blacklist

Matindi ang ginawa ng “The Prince” na bumuhat sa late game pagbawi ng MPL PH Season 8 Champions sa unang laro ng serye, tampok ang magigilas na Blood Awe at Blood Ode combinaton na bumulaga sa mga miyembro ng BTR.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Maagang ginambala ng Bigetron ang rotation ng grupo ng Tier One kung saan nakagawa ng mga agresibong plays ang Fanny ni Maxwel “Maxxx” Alessandro. Gayunpaman, sumandal ang mga Pinoy sa late game ni OHEB na tinapos ang serye na may 6/1/6 KDA.

Eksplosibo ang pagsasara ng Blacklist sa quarterfinals matchup bida ang Aldous ni Wise na pumukpok sa BTR mula mid game hanggang sa dulo ng game 2.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Pinakapansin ang kargada ng Aldous ni Wise sa isang engkwentro sa ika 15:38 minuto ng laro nang tinuktukan niya ang Pharsa ni Gamora para simulan ang death push ng Blacklist.

Nagtala ang jungler ng 2/0/7 KDA kasama ng 818 gold per minute.


Magtatapat ang Blacklist at RRQ Hoshi sa Semis

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Matapos patumbahin ng mga Pinoy ang BTR, haharapin naman nila Indonesian team na RRQ Hoshi sa semifinals. Nauna ng dinispatya ng RRQ ang Team SMG galing Malaysia para iselyo ang tiket sa semis.

Bagamat bigating team ang kanilang kahaharapin, gigil na si OHEB simulan ang bakbakang ito. Aniya sa post-game interview, “I wanna face RRQ because I think they are one of the strongest competitors in MPLI.”

Sa tanong kung kumpiyansa ba siya na Pinoy ang mananalo sa labang ito, maigisi lamang ang sinagot ng superstar gold laner. “Yes we’re sure.”

Sundan ang kampanya ng Blacklist International sa MPL Invitational 2021 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.