Kay Yawi mapupunta ang boto ni Bennyqt bilang ang pinakabagong inductee ng Hall of Legends na ihahalal ngayong ika-11 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).

Matatandaang 11 miyembro ng liga ang binigyan ng naturang parangal noong nakaraang season. Kabilang dito sina Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna, Danerie “Wise” Del Rosario, Joshua “Ch4knu” Mangilog, Setsuna “Dogie” Ignacio, Karl “KarlTzy” Nepomuceno, Brian “Coach Panda” Lim, Angelo “Pheww” Arcangel, Christian “Rafflesia” Fajura, Carlito “Ribo” Ribo Jr., Jeniel “YellyHaze” Bata-Anon, at honorary awardee na si Manjean Faldas.

Si Yawi ang boto ni Bennyqt para maging susunod na Hall of Legends inductee
Credit: ONE Esports

Layunin ng Hall of Legends na ipagdiwang ang kontribusyon at mga napagtagumpayan ng mga nakatanggap ng prestihiyosong parangal. Ngayong season, nagbukas muli ang botohan para makapaghalal ng isang miyembrong mapapabilang dito.


Bakit si Yawi ang boto ni Bennyqt para mapabilang sa Hall of Legends

Si Yawi ang boto ni Bennyqt para maging susunod na Hall of Legends inductee
Credit: ONE Esports

Matapos ang tagumpay ng ECHO kontra ONIC Philippines, humarap ang ilang miyembro ng Orcas sa isang press conference. Dito ipinaliwanag kung bakit si Yawi ang boto ni Bennyqt para mapabilang sa Hall of Legends.

“Teammate ko po siya… At saka para sa akin, pasok po siya sa standard ng Hall of Legends kasi mataas fan base niya tsaka world champion,” ani MVP ng M4 World Championship.

Matagumpay ang naging kampanya ni Yawi sa nagdaang world championship. Bukod sa pag-agaw nila sa kampeonatong pinanghahawakan noon ng Blacklist International, nagtala rin siya ng mga record na siyang nagbuklod sa kanya sa roamer ng mga koponan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Siya ang nakapagtala ng pinakamaraming hero na ginamit sa kahabaan ng turneo matapos bumida sa 11 iba’t-ibang heroes. Meron din siyang 100 porsyentong win rate gamit ang Chou. Dala niya ang pagiging kilabot sa naturang hero hanggang sa gumugulong na turneo.

Si Yawi ang boto ni Bennyqt para maging susunod na Hall of Legends inductee
Credit: ONE Esports

Ngayong season, tied naman sa ikalawang puwesto sina KarlTzy at Yawi sa may pinakamaraming unique heroes na nagamit (11 heroes). Pang-apat naman siya sa liga pagdating sa total assists (170).

Papasok ang ECHO sa ikapitong linggo ng regular season na selyado na ang spot sa playoffs. Kasalukuyan silang naka-upo sa ikalawang puwesto nang may 22 puntos.


Sang-ayon ba kayo sa boto ni Bennyqt? Kayo sinong boto niyo? I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook at i-message kami para sa pambato niyo!

BASAHIN: Ito ang puno’t-dulo ng mainit na usapin na kinasangkutan nina Wise at Ribo ayon kay Coach BON CHAN