Kung may koponan na magpapakitang-gilas sa pagbubukas ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9 (MPL PH S9), iisang team ang bukambibig nina Blacklist International coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza at ONIC Philippines coach Denver “Yeb” Miranda.

BREN Esports daw ang darkhorse ng MPL PH S9 ayon sa dalawa sa pinakamagagaling na utak sa MLBB.


Tiwala sina BON CHAN at Yeb sa mga bagong adisyon ng Bren Esports

Credit: Moonton

Sa magkahiwalay na panayam kasama ang ONE Esports Philippines, inilahad ng coaches ang kanilang mga tugon sa tanong kung sino ang koponan na magpapabilib sa liga na nakapakong magsimula ngayong February 18.

Diretsong sagot ni Coach BON CHAN, ang M2 World Champions raw ang magiging dark horse ng MPL PH S9. Iniugnay ito ng dekoradong coach sa kalibreng dala ng mga bagong mukha na tutulong sa core players ng team na binubuo nina Angelo “Pheww” Arcangel, David “FlapTzy” Canon at Allan “Lusty” Castromayor.

“Ang mga players nila ngayon na dating AA (Ark Angel) ay matagal ng deserving makapasok sa MPL,” dagdag ng Blacklist coach.

Credit: MPL Philippines

Gayundin ang sinambit ni Coach Yeb sa parehong tanong. Aniya, mataas ang tingin niya sa talents na babandera para sa Bren ngayong Season 9. Partikular na tinukoy ng ONIC PH coach ang kargadang mayroon si Kenneth “Saxa” Fedelin.

Credit: Bren Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles (ONE Esports PH)

Pagpapalawig ng M3 World Championship runner up coach, “Nirerespeto ko lang yung talents nung mga rookies lalo na si Saxa. Ilang season ko na kinukuha yan nung nasa Cignal Ultra pa ako.”


Bren Esports Roster sa MPL PH S9

Credit: Bren Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles (ONE Esports PH)
  • Angelo “Pheww” Arcangel
  • David “FlapTzy” Canon
  • Allan “Lusty” Castromayor
  • Muj “Lord Malikk” Malik
  • Kenneth “Saxa” Fedelin
  • Marco “Super Marco” Stephen
  • Vincent “Joy Boy” De Guzman
  • Jowm
  • Pandora
  • Stowm

Sundan ang kampanya ng mga koponan sa MPL PH sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Dating ArkAngel stars bubuuin ang BREN Esports MPL PH S9 roster