May dapat abangan ang fans ng football at Mobile Legends: Bang Bang.

Matapos makipag-partner sa Pinoy boxing legend na si Manny Pacquiao para maipakilala si Paquito noong nakaraang taon, may niluluto nanamang bagong collaboration ang Moonton, kasama naman ang isa sa pinakatanyag na football players sa buong mundo na si Neymar da Silva Santos Júnior, o mas kilala bilang Neymar.

Ayon sa iba’t-ibang leaks na pinost online, magiging exclusive skin ang football star para sa marksman hero na si Bruno.

Dadating nga ba sa Land of Dawn si Neymar?

Pagkatapos ni Pacquiao, mukang malalaro na rin si Neymar sa MLBB
Credit: Dafrixkun

Sa isang video na isinapubliko ng isa sa mga leaker sa YouTube, magkakaroon daw ng dalawang Neymar skins si Bruno, gaya ng M3 exclusive skins na Phantom Ranger Roger at Fiend Hunter Roger.

Sa una niyang skin, makikitang nakasuot ang football star ng football jersey na tampok ang kulay ng national team ng Brazil at ang signature jersey number 10 sa kanyang likod. Iba naman ang dating ng ikalawang skin dahil tangan na niya ang isang futuristic armor gaya ng sa time-limited Firebolt superhero skin.



Nakatakda pang kumpirmahin ng Moonton kung totoo nga ba ang collaboration na ito.

Kilala ang 30-taong-gulang na player, na kasalukuyang naglalaro para sa Paris Saint-Germain sa Ligue 1, ay kilala bilang isa sa mga pinakamgagaling na manlalaro sa buong mundo dahil sa kanyang versatility at playmaking.

Hindi na rin siya bago sa mundo ng gaming. Noong Disyembre 2021, pumirma siya sa Facebook Gaming para mag-stream nang eksklusibo sa kanyang opisyal na page na may 88 million followers. Naging

din siya at naglabas ng bagong content kasama ang ilang kapwa streamers at pro players.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Suhaz Esports kumuha ng Pinoy coach at 2 MDL ID players para sa MPL MY Season 10