Isa pang Malaysian team ang magtatampok ng Indonesian players at Pinoy coach para sa ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia (MPL MY), matapos makumpira ang pagsanib ng dating midlaner ng ONIC Philippines na si Jaylord “Hate” Gonzales sa Team SMG.

Inanunsyo ng Suhaz Esports sa isang televised news segment na kinuha nila ang dalawang manlalaro mula sa RRQ Sena na sina Rico “V1NSMOKE” at Daffa Dwitama “Oxygen” Siregard. Gagabayan din ang koponan ng Pinoy coach na si Theo “Raizen” Eusebio, ang dating ehad coach ng Z4 Esports.

Ito ang unang beses na nag-import ng Pinoy coach ang isang koponan mula sa MPL MY.

Ang RRQ Sena ay isang koponan mula sa MLBB Development League Indonesia (MPL ID), at sister team ng RRQ Hoshi. Samantala, isang amateur team naman ang Z4 Esports mula sa Pilipinas na itinatag ng Smart Omega player na si Billy “Z4pnu” Alfonso.

Dalawang RRQ Sena players at Pinoy coach ang magpapalakas sa Suhaz Esports sa MPL MY Season 10

Suhaz Esports kumuha ng Pinoy coach at 2 MDL ID players para sa MPL MY Season 10
Credit: Z4 Esports

Ngitiang-ngitian ang team manager ng Suhaz Esports na si Mohd Nur Firdaus Mod Konsul nang ianunsyo ang kanilang roster.

“If we observed the Mobile Legends Southeast Asia Cup, teams from the Philippines, Indonesia, and Malaysia play differently. So, we are bringing these guys in to [incorporate] their own countries’ playstyles,” aniya sa media, ayon sa IGN SEA.

Sa ilalim ng pangangalaga ni Raizen, nakapag-uwi ang Z4 Esports ng mga kampeonato mula sa mga amateur tournaments gaya ng Juicy Legends Tournament 2022 Q2, Tambay League Summer Cup, at MLBB Supreme League.

Suhaz Esports kumuha ng Pinoy coach at 2 MDL ID players para sa MPL MY Season 10
Credit: MDL ID

Samantala, noong ikalimang season naman ng MDL ID huling naglaro si V1NSMOKE para sa RRQ Sena. Bagamat maagang nagtapos ang kanilang kampanya matapos mabigo kontra Rebellion Sinai sa unang round ng playoffs, kinilala pa rin siya bilang ang best roamer ng naturang season.

Noong Season 9, maganda ang ipinakitang performance ng Suhaz Esports sa regular season. Tinapos nila ito bilang ang second seed ng Group A nang may 5-8 record. Sa playoffs, nanalo sila kontra RED Esports sa upper bracket semifinal bago ilaglag ng Todak mula sa upper bracket final.

Tinuldukan ng Orange Esports ang kanilang kampanya sa lower bracket final para magtapos sa ikatlong puwesto.

Roster ng Suhaz Esports sa MPL MY Season 10

  • Rico “V1NSMOKE”
  • Daffa Dwitama “Oxygen” Siregar
  • Muhammad Sirajuddin “Abumon” Mohd Rezali
  • Muhammad “SitiNurSana” Danish
  • Ameer Razin “Razin” Ahmad Fauzey
  • Ummar Mukhriz Md “IKYYMONNN” Nisam
  • Mohamed Elham Daneal “Amskii” Ishamudin

Nakatakdang magsimula ang MPL Malaysia Season 10 sa ikalima ng Agosto.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: EVOS Legends ni-recruit ang isa sa pinakamalakas na EXP laner mula sa MPL PH