Nakumpirma na ang bulong-bulungan.

Dadalhin ni Jaylord “Hate” Gonzales ang kaniyang swabeng mechanical skills at malawak na karanasan mula sa high-level gameplay ng MPL Philippines papunta sa Team SMG sa pagpasok ng MPL Malaysia Season 10.

Ito ay karugtong ng anunsyo ng koponan sa Instagram kung saan inihayag nila ang kanilang opisyal na roster tampok ang dating ONIC Philippines star.

Dahil dito, si Hate ang unang pro player mula Pilipinas na maglalaro bilang import sa liga sa Malaysia.


Hate nagpasalamat sa Team SMG at sa kaniyang fans

Credit: MPL Philippines

Matapos ang nasabing anunsyo, nagpaabot ng pasasalamat ang jungler-turned-midlaner sa Malaysian team at sa kaniyang fans.

“Thankyou sa SMG kinuha pa din ako kahit medyo late na. Thank you sa mga naka suports [suporta] pa din kahit nasa ibang bansa na ‘ko. Mas gagalingan ko pa,” sulat niya sa isang Facebook post.

Makakatuwang ni Hate ang dekalibreng mainstays ng Team SMG sa ilalim pa rin ng gabay ng head coach na si James Chen.

Sa likod ng stars na sina Lu Khai “Sasa” Bean at kapitan na si Aeliff Adam “Smooth” Md Ariff, susubukan ng ex-ONIC PH midlaner na tulungan ang koponan mapanatiling mainit ang kanilang makina papunta sa playoffs, at kalaunan ay makuha ang inaasam na kampeonato.

Credit: Team SMG

Mababalikan na bagamat nagtala ng halimaw na 10-3 record para maging frontrunner sa Group A sa nakalipas na MPL MY Season 9, dinelubyo ang kanilang kampanya sa playoffs. Matapos biguin ng kalaunan ay mga kampeon na Team Todak sa upper bracket, ay kasunod naman silang winalis ng Team Caracal sa lower bracket para tuluyang masipa mula sa playoff contention.


Kumpletong roster ng Team SMG sa MPL MY S10

  • Aeliff Adam “Smooth” Md Ariff
  • Lu Khai “Sasa” Bean
  • Muhammad “Zaim Sempoi Zaim
  • Hadiazwan “Box” Rosli
  • Raja Mohamad Anwar “Nuar” Raja Arif Shah
  • Jaylord “Hate” Gonzales

I-check out ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuli tungkol sa MLBB!

BASAHIN: Mga sinyales na sasanib na si Dlar sa EVOS Legends ngayong MPL ID S10