Nakatakda ng lumipad papunta sa Pilipinas ngayong Marso ang BloodThirstyKings standouts na sina Michael “MobaZane” Cosgun at Ian “Fwydchckn” Hohl.

Ito ay ayon mismo kay MobaZane na inilahad sa isang Youtube stream ang kaniyang plano na subukan ang oportunidad sa bansa katuwang ang kaniyang gold laner.


MobaZane inihayag ang plano nila ni FwydChckn na lumipat sa Pinas

Credit: Moonton

Matagal ng bukambibig ng superstar jungler ang plano niyang paglipat sa ibang bansa, partikular na sa mga MPL regions na nakapaloob sa Southeast Asia kung saan umuusbong ang Mobile Legends: Bang Bang.

Aniya, “Me and chicken are gonna move to Asia. I think. I’m honestly very glad that I’m not the only BTK member who’s interested in moving.”

Nauna ng binanggit ni MobaZane ang kagustuhan niyang subukan na ipagpatuloy ang kaniyang karera sa Indonesia, ngunit dahil hirap makakuha ng VISA dala ng epekto ng bagong CoViD variant ay napurnada ito. Kaya naman noong inihayag ng North American star na nakahanda na siyang lumipad papunta sa Pilipinas ay hindi nagulat ang mga miron.

Screenshot ni Calvin Trilles (ONE Esports PH)

“Me and chicken are gonna move to the Philippines. We can’t go to INDO right now. So we’re just gonna go to the Philippines anyways. At this point anywhere is better than N.A. Third place (expletive) team running from their own country. Yeah we’re going to the Philippines. March 19th,” banggit ng pro player.

Kasama raw sa plano nila ni Fwydchckn na palawigin ang kanilang karera katuwang ng mga content creators at pro players sa bansang pinaggalingan ng mga teams na nagkampyon sa magkasunod na M series.

“I think it’s me, chicken and Carti all goin’. I guess we’re just gonna be playing with a good amount of content creators. Maybe some pro players. Thing is, MPL will be going on so maybe we can’t get matches with pro players. We’ll have to see.”

Dagdag ng sikat na pro, nakalatag na daw ang stream schedule nila ni Fwydchckn para mapanood ng mga fans.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa mga pros sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Bakit ginagamit na ang Jungle Emblem at Demon Slayer talent ng MPL PH players