Hindi tulad ng ibang rehiyon na maraming kinatawan, ang Burn X Flash ang nag-iisang magtataas ng bandila ng Cambodia sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Tanggap ng kanilang head coach na si John Michael “Zico” Dizon na matinding pressure ang kakaharapin ng team sa tournament, ngunit naniniwala siyang meron silang kalamangan na wala sa ibang team.

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, dinetalye ni Zico ang paghahandang ginawa ng kanyang team, kung ano ang kaibahan nila sa ibang rehiyon, at kung sinong team ang nais nilang makaharap sa MPLI 2022.

Coach Zico ng Burn X Flash naniniwalang malaki ang lamang ng kanyang team sa MPLI 2022

Burn X Flash Zico
Credit: Zico

Marami na ang nakakapansin sa Burn X Flash bago pa magsimula ang MPL KH Autumn Split 2022 matapos nilang kunin sina Jhonwin “Hesa” Vergara, Michael “MPDKING” Endino, at Zico mula sa  Nexplay EVOS ng MPL PH. Dahil dito, sial ang kaunaunahang Cambodian team na kumuha ng mga players mula sa labas ng bansa.

Sa tulong ng mga bagong import, agad na umangat ang Burn X Flash upang maging kampeon sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang liga. At sa unang pagkakataon din, sina Hesa at ang kanyang team ay haharap laban sa isang international team sa MPLI 2022.

Sa kabila ng pagiging pinakamahusay na team sa Cambodia, naniniwala pa rin si Zico na hindi magiging madali ang lumaban sa isang international team.

“I believe we are ahead of the Singapore and Malaysia teams,” sabi niya. “We can also compete with the Filipino, Myanmar and Indonesian teams in scrims, although it is quite difficult.”

Alam ni Zico na marami ang tumuturing sa kanila bilang mga underdogs ng tournament, ngunit wal siyang nararamdaman maski katiting na takot. Sa katunayan, ito sa tingin niya ang kanilang malaking kalamangan kumpara sa ibang mas kilalang rehiyon ng MPL.

“They don’t know who we are and what our playing style is,” sabi niya. “All we have to do is stay focused and train hard so we can do our best.”

Zico nais makaharap ang Bren Esports sa MPLI 2022

Bren Esports MPLI 2022
Credit: ONE Esports

Natural alng sa mga teams na naising makaharap ang regional champions sa MPLI, pero ibahin niyo si Zico.

“I want to face Bren Esports,” sabi niya. “They were strong in the MPL PH but failed in the playoffs.”

Matapos ilaglag ang Smart Omega, na isa sa mga paborito upang manalo sa play-in round, muntik nang ipadala ng Bren Esports ang Blacklist International papuntang lower bracket kung hindi lang sila natalo sa games 4 at 5.

Kinalaunan ay nailaglag ang Bren ng defending champion n RSG PH sa lower bracket semifinals at nagtapos sa ikaapat na pwesto.

“I remember OhMyV33nus saying in an interview that he didn’t want to face Bren Esports again in the playoffs,” dagdag pa niya. “So I want to confront them to gauge how strong we are in MPLI.”

Ang Burn X Flash ay nasa Bracket A kasama ang MPL PH Season 10 champion na Blacklist International, Orange Esports, RRQ Sena, at Geek Fam. Una nilang makakalaban ang Orange Esports.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.