Kasunod ng pagkuha niya ng poste bilang head coach ng Cambodian Mobile Legends team na BURN x FLASH, umaasa si John Michael “Coach Zico” Dizon na madadala niya ang malawak na karansan sa MPL Philippines para magabayan ang kaniyang koponan sa tuktok ng MPL Cambodia.

Ito ang inilahad ng beterano sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports Philippines. Bukod sa kaniyang mga layunin para sa bago niyang koponan, binanggit din ni Coach Zico ang naging proseso ng transisyon at ilan sa kaniyang mga plano sa kaniyang pananatili abroad.


Coach Zico ukol sa language barrier, mga plano at layunin para sa BURN x FLASH

Ngayong mapapabilang na si Coach Zico sa maikling listahan ng international head coaches sa MLBB, kumpidente raw siya na magagabayan niya ang BURN x FLASH sa tamang landas, bagkus may pagkakaiba sa linggwahe.

Credit: BURN x FLASH

“From the perspective of a coach, ‘di naman big deal yung language barrier unless player ka. Meron [naman] akong translator and most of them nakakaintindi naman ng English,” aniya.

Tungkol naman sa skill level ng players sa sasalihang MPL KH, ikinuwento ng dating pro player ang kaniyang karanasan katapat ang mga ito. “When i was in NXPE and scrimming with KH teams, pumapalag eh. May potential knowing di pa full-time ML yung iba dahil iba nga yung tradition nila, prio nila pag-aaral pa din kaya sa tingin ko kung matututukan sila mas lalakas pa lalo.”

Bagamat hahawakan ang koponan na nagtapos sa desenteng 4th place finish sa nakaraang MPL KH Spring Split, inaasahan ng coach na malubak ang dadaanan nila bago makamit ang inaasam na tagumpay.

“Hindi madali dahil ‘di biro yung process. Pero goal ko na palakasin lalo itong team na ‘to, mag-champion at dalhin sila sa international scene. Lalo’t m series this season.”


Malaking desisyon ang paglipat sa MPL KH ayon kay Zico

Credit: ONE Esports PH

Sa naturang panayam, inamin ni Coach Zico na naging mahirap para sa kaniya na lisanin ang kaniyang coaching position lalo pa’t ito ay isang established team tulad ng Nexplay EVOS. Gayumpaman, importante raw sa kaniya na mag-desisyon para sa kaniyang ‘personal growth’.

“Gusto ko lagi chinachallenge yung sarili ko that’s why i accepted this offer,” ani ng beterano.

Bagamat mananatili sa Cambodia ngayong season ng MPL KH, hindi pa rin naman isinasarado ni Zico ang panunumabalik sa bansa at sa ligang nagpaingay ng kaniyang pangalan. “Actually ang plan ko lang is for a season or two, pero still depends sa kung ano maging result.”

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Matapos umalis sa Bren, minamata pa rin ni Lusty na maglaro sa MPL PH S10