Swabe na ang in-game design ng Natan ngunit hindi maikakaila na mas pina-aangat ng Mobile Legends skins niya ang kaniyang tikas bilang maangas na siyentista at madyikero.

Simula ng ilabas ang hero noong Setyembre noong nakaraang taon, nakatanggap na ang Spacetime Walker ng Time Wielder skin kung saan may puti siyang buhok, at Chaos Hunter kung saan itim naman ito.

Sa pinakahuling handog ng Moonton na Captain Chrono Natan, mas kakaiba na ang dating ng marksman. Ipinapakita sa August Starlight exclusive skin ang mas batang bersyon ng hero na walang eye accessories, bukod sa red armored jacket na taliwas sa kaniyang tipikal na blue colorway.


Hitsura at skill effects ng Captain Chrono Natan, ang Starlight Skin ngayong Agosto

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Mistulang galing sa ibang henerasyon ang Captain Chrono Natan dahil mas batang bersyon ito ng karakter. Gayunpaman, tanaw pa rin ang trademark hair ng hero, ngunit sa pagkakataong ito naman ay kulay midnight blue ito.

Sa halip na professor-inspired suit, suot niya ang isang armored jacket na may makakapal na yellow at white na shoulder pads na mas pinapaigting ang kaniyang slim waistline at mas futuristic na getup.

Bukod dito, bago rin ang kulay ng kaniyang skill effects taliwas sa tipikal na blue particles na default sa karakter.

Neon orange ang maaaninag na kulay kapag nagpapakawala ang Captain Chrono Natan ng basic attacks. Samantala, isang dark orange na clone ang lumalabas kapag ginamit niya ang kaniyang ultimate na Entropy.

Kaakibat ng August Starlight skin ang kaparis nitong maangas na statue at isang cute na anime emote.

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Kung hindi marksman main, maaari pa rin naming mamili ng Starlight Skins sa August Starlight perks. Maaaring pagpilian ang The Insentient Aldous, Cyber Ops Gusion, Strawberry Parfait Chang’e, at Apocalypse Franco.



Alamin ang pinakahuli sa MLBB sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Magkatuwang daw ang Blacklist International at Moonton para sa design ng M3 skin ni Estes, ayon kay Tryke