Kamakailan ay inilabas na ng Moonton Games sa madla ang Chou M4 Skin na resulta ng pakikipagtulungan ng M4 world champions ECHO— at hindi nito binigo ang fans na umantabay sa pagdating nito.

Opisyal na tinatawag bilang M4 Champion Skin Chou na “ECHO”, ito ang unang skin na dinisenyo kasama ang isang M-Series winning team.



Chou M4 Skin “ECHO” mabibili na sa in-game shop sa Mobile Legends

Credit: ONE Esports

Patok sa masa ang Chou M4 skin kung saan suot ng fighter hero ang iconic jacket ng team habang sakay ng waves kasama ang purple orcas.

Ito rin ang sumisimbolo sa ECHO bilang pinakamatinik na predator sa MLBB esports scene noong nakaraang M-World Series.

“We enjoyed the process of creating this with them, and the final output definitely represents our vision as a team,” ani ng country manager ng team na si Mitch Liwanag.

Masaya rin ang kapitan ng team na si Tristan “Yawi” Cabrera sa kinalabasan ng bagong skin ng kaniyang signature hero.

“The skin design is great and extraordinary, it’s really something that we like. Even the ECHO jacket I said I wanted to be included is seen. We had fun designing this skin and we hope our fans like it,” aniya.

Nagsimula ang pre-sale ng skin noong August 14, ngunit opisyal lamang itong ilalabas sa August 21.

Maaaaring mabili ang espesyal na skin hanggang September 19.

Sa nakaraang M4 World Championship, ipinaliwanag din ni Yawi kung bakti si Chou ang napili nilang mabigyan ng champion skin. “Hindi lang isa yung gumagamit ng Chou. Lahat sa team marunong mag-Chou.”

Credit: Moonton Games

Bukod dito, malaki ang ginampanan ng figher hero sa tagumpay ng team sa nasabing torneo. Pinili nila ito ng walong beses at nanalo ng anim na ulit gamit ito.

Nangibabaw ang ECHO sa kanilang group sa M4 na may perpektong record, bago dominahin ang Falcon Esports at ONIC Esports para maabot ang upper bracket final kung saan nagapi sila ng Blacklist International.

Gayunpaman, hindi nito pinigilan ang Purple Orcas na pinaluhod ang RRQ Hoshi sa lower bracket final para rumebanse kontra Blacklist na winalis nila sa 4-0 record sa finals.



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang updates at balita tungkol sa MLBB!

BASAHIN: Mamamangha ka sa Stellaris Ghost Lesley matapos ang rework sa epic skin