Nakatanggap kamakailan ng malaking upgrade ang isa sa pinakamagandang skin ni Lesley sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kasalukuyan nang makikita ang revamped na Stellaris Ghost Lesley skin sa laro, matapos ito unang ilabas noong 2018 sa pamamagitan ng limited-time release. Nanatili ito bilang bukod-tanging Epic skin ng marksman hero.

Tampok sa upgraded skin ang fresh na character model at ilan pang nakakabilib na skill animation effects, kasama na din ang bagong idle animation.



Character model at skills ng Stellaris Ghost Lesley revamp

Stellaris Ghost Lesley character model in-game
Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Nanatili sa reworked skin ang white armor at signature orange glasses ni Lesley ngunit kapansin-pansin ang ibinigay ditong visual effects.

Pangunahin dito ang mas swabeng hitsura ng kaniyang sniper rifle na sisindak sa sinumang magtatangka na humarap sa kaniya sa battlefield.

Lumihis din ng landas ang reworked skin sa dating design na dominante ang white colors. Ngayon, black at orange ang lumulutang na colorway sa nasabing skin, kung kaya’t mas kaaliw-aliw pagmasdan ang karakter kapag ginagamit sa Land of Dawn.

Stellaris Ghost Lesley activating Ultimate Snipe
Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Bagamat nanatili ang kaniyang skills sa orihinal nitong porma, may karagdagang visual enhancements na ibinigay ang Moonton para mas gawing espesyal ang epic skin.

Ang mayorya ng pagbabago sa kaniyang skill effects ay makikita kapag ginamit niya ang kaniyang ultimate na Ultimate Snipe. Habang sinisipat ni Lesley ang kaniyang target, bumubunot ang kaniyang rifle ang enerhiya mula sa bawat direksyon. Kaya naman, mas kapanapanabik tuwing pipihit ka ng ultimate.



Simula August 10 ay available na sa in-game shop ang Stellaris Ghost Lesley skin. Kuhanin ito para ma-enjoy ang preskong visual effects!

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang updates at balita tungkol sa MLBB!

BASAHIN: Mga item na dapat mong bilhin para kay Novaria sa Mobile Legends