Updated ngayong August 9, 8 a.m. (GMT+8): Idinagdag ang mga detalye kung paano makuha ang Kagura, Edith, at Xavier skins.

Isang bagong pakikipagsapalaran sa Land of Dawn ang magbubukas sa paglulunsad ng Beyond the Clouds, ang pinakabagong skin line sa Mobile Legends: Bang Bang.

Ang bagong serye ay magtatampok ng tatlong bagong skin na may kakaibang art style, na nagpapaalala sa mga classic Japanese anime tulad ng mga gawa ng Studio Ghibli. Kasama sa mga skin ang isang animated music video na magpapakilala sa nakamamanghang bagong mundo.

Narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa bagong skin series, kasama na ang release date at mga events.


SIna Edith, Kagura, at Xavier ang bibida sa bagong Beyond the Clouds series

Beyond the Clouds characters Xavier, Kagura, and Edith
Credit: Moonton

Tatlong mga hero ng Mobile Legends – sina Edith, Kagura, at Xavier – ang tatanggap ng mga exclusive skin.

Ang mga skin ay ilalabas sa magkakaibang mga petsa, kung saan ang skin ni Kagura ang unang lalabas sa laro sa August 8, at sinusundan naman ng mga skin nina Edith at Xavier sa August 12.

Bawat skin ay may sariling kakaibang katangian na nakakaakit.

Ipapakita ng skin ni Edith ang kanyang kasuotan na na-inspire ng Native American, na pinapaganda pa ng face paint at animal tooth earrings, na lumilikha ng kanyang kakaibang at matapang na anyo.

Samantalang ang skin ni Kagura ay elegante, na may maputing seda na palda na may mga ginto sa mga kuwelyo at lupi. Mayroon din itong tila mahiwagang kapangyarihan na nagpapalakas sa kanyang panghalina at misteryo.

Para kay Xavier, ipapakita ng kanyang skin ang isang pagkatao ng isang maharlika, na mayroong pormal na beige suit na may kapansin-pansing mahabang pulang kapa, na nagpapalabas ng kapangyarihan at awtoridad.



Paano makukuha nang libre ang Beyond the Clouds Kagura skin

Mobile Legends: Bang Bang Kagura
Credit: Moonton

Mayroon kang pagkakataon na makuha ang skin ni Kagura para sa halagang 0 diamonds, salamat sa espesyal na discount event.

Sa pamamagitan ng paglahok sa event at pagkuha ng Ancient Relics mula August 8 hanggang September 4, mababawasan mo ang presyo ng skin ni Kagura. Ang bawat Ancient Relic na makukuha ay katumbas ng isang diamond, at kung magagawang makalikom ng 1288 Ancient Relics, makukuha mo ang skin ni Kagura nang libre!

Ang Xavier at Edith skins naman ay maaaring makuha sa pamamagitan ng draw event simula August 12. Ang isang draw ay nagkakahalaga ng 50 diamons, na may 50% discount sa unang draw kada araw.

Samantala, pwede mong gawin ang 10x draw na nagkakahalaga ng 450 diamonds. Garantisado sa unang 10x draw ang Beyond the Cloud in-game cosmetic o skin.

Bawat draw ay magbibigay ng random na dami ng Skywhale Essence at maliit na tsansang makakuha ng exclusive items at skins. Ang Edith at Xavier skin ay nagkakahalagang 800 Skywhale Essence bawat isa.

Magkakaroon din ng in-game events mula August 12 hanggang September 4 kung saan makakalikom ka ng free tickets sa pamamagitan ng pagkumpleto sa ilang tasks.



Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends