Si Xavier, ang Defier of Light ang pinakahuling mage hero na inilabas sa Mobile Legends: Bang Bang. Kakaiba ang skills ni Xavier dahil siya ang unang hero na may global ultimate skill na tinatawag na Dawning Light.

Bukod dito, long range damage ang kargada ng bagong mage kaya naman swabe ito sa mga konserbatibong players o di kaya naman ay sa mga marurunong dumistansya sa team fights.

Alamin kung ano at paano gumagana ang skills ni Xavier sa MLBB sa guide na ito:

Skills ni Xavier sa MLBB

Screenshot ni Amanda Tan/ ONE Esports

Passive – Transcendence

Mapapalakas ang mga susunod na skills bawat pagkakataong tumatama ito sa kalabang hero. Stage I: Lalakas ang damage ng 120%. Stage II: Tataas naman ito ng 125%. Stage III: 130% adisyunal damage increase. Tatagal ang state ng 5 segundo.

  • Kaya niyang pahabain ang duration ng passive sa pamamagitan ng pagpapatama ng kaniyang skills sa kalaban.
  • Isa ang passive skill niya sa mga dahilan kung bakit isa siya sa pinakamgandag poke heroes sa midlane. Gamitin ang kalamangang ito sa early game bago.
  • Malaki ang itataas ng damage saStage II.
  • Babba ang cooldown ng skills ng 4 segundo sa Stage III (12 seconds para sa Dawning Light)
  • Lahat ng skills ay may kulay lila na effect pagdaok ng Stage III.

Skill 1 – Infinite Extension

Magpapakawala si Xavier ng isang Mystic Bullet na may dalang magic damage sa mga kalabang dadaanan nito.

  • Lalayo ang mararating na distansiya ng bullet sa bawat pagkakataong tatama ito sa kalaban sa loob ng Mystic Barrier.
  • Maaaring makatama ng multiple heroes ang Infinite Extension ng walang damage penalty kaya maganda itong pang-burst sa team fights.
  • Kayang tumagos ng skills sa mga obstacles sa mapa kaya naman pwede itong makatama ng heroes kahit pa nasa labas sila ng iyong field of vision.
  • Mas mataas ang damage na kaya mong mailabas kung mapapatama mo din ang ibang skills ni Xavier, partikular ang Mystic field.
  • Napapahaba din ang distansya nito kapag tumatama sa minions o jungle monsters.

Skill 2 – Mystic Field

Maglalabas si Xavier ng isang Mystic Barrier na tatagal ng 5 segundo. Bawat kalaban na tatamaan ng Barrier ay tatanggap ng 100-150 damage at slow effect na 50%, habang ang mga kakampi naman ay magkakaroon ng Movement Speed buff na mag-dedecay sa loob ng 1.2 segundo.

  • Nakapende ang effectivity ng ibang burst skills ni Xavier sa pagtama ng skill na ito. Makukulong ang kalaban sa field sa loob ng 1.5 segundo at makakatanggap sila ng magic damage mula rito.
  • Maganda din ang skill na ito para matulungang tumakas mula sa mga dehadong team fights ang mga kakampi dahil 3 segundo ang itatagal ng forbidden barrier.
  • Maganda gamitin ito sa mga masisikip na tagusan kung saan walang opsyon ang kalabng team kundi tumagos dito at ma-trap. Maasahan din itong support skill para sa mga junglers na umaabante para mag-invade.
  • Gaya ng ibang skills ni Xavier ay maaring makatama ito ng multiple enemies.

Ultimate – Dawning Light

Maglalabas si Xavier ng isang beam ng Mystic magic na may dalang magic damage sa mga kalabang madadaanan nito.

  • Agad na papasok sa Stage III ng Transcendence si Xavier kapag gumamit ng Dawning Light.
  • Gaya ng mga naunang skills ni Xavier ay Area of Effect ito at at ito ay ang skill na may karga ng pinakamalaking magic damage.
  • Ito ang unang global attack sa laro kaya ang mga players na marunong gumamit ng skills ni Moskov o Layla ay may kalamagan sa paggamit sa skill na ito.
  • May stun effect din itong karga kung nasa loob ng Mystic field ang kalaban.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga guides tulad nito.

BASAHIN: Top choice pa rin ba bilang midlaner si Xavier sa MPL ID S9 playoffs?