Binago ng pagdating ni Xavier sa Land of Dawn noong Abril ang meta ng gumugulong na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID )Season 9. Agad naging priority pick ang Mage hero sa mid lane.

Sa unang sulyap, hindi agad nakumbinse ang mga manlalaro kung mapipili man lang ba si Xavier sa MPL ID S9. Kahit pa kasi may crowd control ito at matuturing na global ang ultimate niyang Dawning Light, ang kakulangan ng escape mechanism nito ay maaaring maging problema.

Top choice pa rin ba bilang midlaner si Xavier sa MPL ID S9 playoffs?
Credit: Moonton

Pero sa ikawalong linggo ng MPL ID S9, kung kailan pwede nang mapili si Xavier, napatunayang kaya niyang makipagsabayan sa mid lane. Pinili ito ng Aura Fire, ONIC Esports, Rebellion Zion, at Bigetron Alpha.

Sa 16 games na nilaro noong nasabing linggo, siyam na beses napili si Xavier at isang beses naman ito na-ban. Nakapagtala rin ito ng 77.78% win rate matapos matalo nang dalawang beses.

Mamamayapag pa rin si Xavier sa MPL ID S9 playoffs

Top choice pa rin ba bilang midlaner si Xavier sa MPL ID S9 playoffs?
Credit: ONE Esports

Hindi natapos sa regular season ang kasikatan ni Xavier sa MPL ID S9. Sa unang mapa ng serye sa pagitan ng Aura Fire at Bigetron Alpha, napili muli ang mid lane hero.

Sa unang tatlong mapa, hindi nawala sa Xavier para sa magkabilang koponan. Ang malupit pa, nananalo ang alin mang koponang makakakuha dito.

Kaya naman hindi na kataka-taka ang pagka-ban ng hero sa ika-apat at ikalimang mapa. Sapat na kasi ang patunay na kasing lakas na siya ng mga meta heroes sa mdi lane gaya nina Yve, Cecilion, Lylia, at maging ni Pharsa.

Antabayanan ang patuloy na pamamayagpag ni Xavier sa MPL ID S9 playoffs hanggang sa ika-24 ng Abril.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Insidente ng lag sa EVOS Legends vs Alter Ego, iimbestigahan ng MPL Indonesia