Si Cecilion ay isa sa mga mage heoes sa Mobile Legends: Bang Bang na nagniningning sa larangan ng burst damage output at Area of Effect damage at control sa kalaban.

Bagamat unique ang skill set ng Embrace of Night, mababa ang pick rate ng hero noong nakaraang taon at hindi nakasama sa meta.

Pagkaraan ng M3 World Championship, malaki ang pinagbago ng pick rate ng mage hero dal ana rin ng malaking buff ni ibinigay sa kaniya sa patch 1.6.42 kung saan mas pinaganda ang kaniyang passive na Overflowing.

Isa na ngayon sa most picked heroes in Mythic tier si Cecilion at maraming pros ang sinusubukan siyang gamitin sa mga ranked games at scrims. Hindi lang sa RG mapapansin ang hero dahil sa nakaraang SIBOL Phase 2 MLBB Qualifiers, mababalikang may mga koponan na prayoridad ang midlaner gaya ng runner ups na Nexplay EVOS.

Kaya naman marami ring nagtatanong: sino nga ba maituturing na Cecilion counter heroes?


3 epektibong Cecilion counter heroes sa MLBB

Gusion

Credit: Moonton

Madalas na mapapansin na sumasandal ang Cecilion users sa kaniyang skills na Bat Impact at Sanguine Claws para ma-set up ang mga teamfights. Hindi maikakaila na malaki ang impact nito kung mapapatama ng maayos dahil bukod sa stun ay mangangaray ang sinumang tatanggap ng combo na ito. Gayunpaman, matinding timing at positioning ang susi para mapakawalan ng mage hero ang kaniyang damage output. Kaya naman sa usaping Cecilion counter heroes, nangunguna ang assassin/mage na si Gusion.

Napakahirap mahuli ang hero lalo pa kung walang single-target stun ability ang kalabang team. Kapag napatama ng Gusion ang kaniyang daggers kay Cecilion, mapipilitang mag-back na lamang ang mage. Kung hindi ay sasapuhin niya ang sandamukal na magic damage galing sa combo ng assassin lalo kung nakuha na nito ang kaniyang mga core items.

Ang kombinasyon ng dulas at burst damage ng Gusion ang malaking dahilan kung bakit maituturing siya bilang isang Cecilion counter hero.


Chou

Credit: Moonton

Madaling mawala sa laro kapag nakakaharap ng magaling na Chou player dahil kaya ng hero tapatan ang karamihan ng Mobile Legends heroes. Kasama na dito ang Cecilion.

Kung matatapat sa Chou sa midlane, dehado ang kahit sinong mage hero na walang mobility skills dahil mabilis mag-close ng gap ang fighter gamit ang kaniyang Jeet Kune Do. Totoo ito sa kalagayan ng Cecilion lalo na sa early to mid game dahil kung maaanggulohan ng combo kasama ang Way of the Dragon, madaling pauwiin o pitasin ang mage.

Bukod dito, isa ring dahilan kung bakit magandang Cecilion counter ang Chou ay dahil sa kaniyang Shunpo na kayang kontrahin ang control effects ng mage.


Harley

Credit: Moonton

Isa pang hero na may  kakayahang maglabas-pasok sa teamfights at sa lane si Harley. Dahil napaka-mobile ng hero at may kakayahang magpakawala ng malakas na damage output, mahirap ding matchup ito para kay Cecilion.

Maaaring i-cast ni Harley ang Space Escape para makalapit, na susundan ng Deadly Magic at Poker Trick para epektibong tunawin ang Cecilion. Hindi malayong paulit-ulit na uuwi o mamatay ang mage hero sa lane kapag napatama ng Harley ang kaniyang full combo.

At kapag napunta sa dehadong posisyon (kung susubukang kontrolin ng Cecilion) ay mabilis na makakabalik sa puwesto ang Harley gamit pa rin ng Space Escape.

Ano pa sa tingin niyo ang Cecilion counter heroes? Huwag mahiyang i-komento ito sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Mobile Legends Yin guide: Alamin ang best build, skills, emblem at combos ng bagong fighter