Naglathala ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) ukol sa insidente ng lag sa EVOS Legends vs Alter Ego sa unang round ng playoffs.

Ani ng kumite, iimbestigahan nila ang insidente kung saan tinamaan ng lag ang EXP laner ng Alter Ego na si Rafly “Pai” Alvareza Sudrajat at magbibigay ng paliwanag tungkol dito.

“Liga sedang menginvestigasi kejadian lagging di pertandingan EVOS Legends vs Alter Ego yang menimpa AE PAI pada playoffs MPL Indonesia Season 9 dan akan segera menyampaikan penjelasan lebih jauh terhadap insiden ini,” sulat nila.

Insidente ng lag sa EVOS Legends vs Alter Ego, iimbestigahan ng MPL Indonesia
Credit: MPL Indonesia

(Iniimbestigahan ng liga ang lagging incident sa laban ng EVOS Legends at Alter Ego na tumama kay AE PAI sa MPL Indonesia Season 9 playoffs at magbibigay kami ng karagdagang paliwanag sa nasabing insidente.)

Ang insidente ng lag sa EVOS Legends vs Alter Ego sa MPL ID Season 9 playoffs

Nangyari ang insidente ng lag sa EVOS Legends vs Alter Ego sa ika-20 minuto ng ikalimang mapa. Lamang ang koponan nina Pai pag dating sa kills at gold, at tanging ang base na lang ng EVOS Legends ang natitirang hadlang para makalagpas sila sa play-ins.



Matapos sumiklab ang isang team fight sa may bottom lane, kung saan dalawang miyembro ng EVOS Legends ang napitas, sinubukan ng Alter Ego na habulin sa base ang mga natitirang hero. Nakatuon ang atensyon ng Phoveus ni Pai sa Paquito ni Maxhill “Antimage” Leonardo, pero matapos itong ma-Knockout Strike, bigla na lang itong hindi gumalaw.

Sinubukang sagipin ng mga miyembro ng Alter Ego ang kanilang kakampi, pero binati sila ng Hilda ni Gustian “R E K T”. Sa tulong ni Antimage, napaputok nila ang Pharsa ni Muhammad Julian “Udil” Ardiansyah, habang pinaulanan naman ng Bat Impact ng Cecilion ni Cr1te ang nakatayo lang na Phoveus.

Nagamit ang immortality ni Pai bago na-pause ang laban. Bakas sa muka ni Pai ang frustration nang tutukan siya ng camera habang naka-pause ang laban. Matapos ang halos apat na minutong technical pause, itinuloy muli ang laban, pero napatay na ng EVOS Legends ang Phoveus ni Pai.

Insidente ng lag sa EVOS Legends vs Alter Ego, iimbestigahan ng MPL Indonesia
Credit: Moonton | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Tumagal pa hanggang sa ika-30 minuto ang laban, pero bigo na ang Alter Ego na mapanghawakan pa ang kanilang kalamangan. Tagumpay ang EVOS Legends sa serye sa iskor na 3-2 at aabante sa upper bracket kontra RRQ Hoshi para sa panibagong yugto ng El Clasico.

Dahil naman sa kanilang pagkatalo, natapos ang kampanya ng Alter Ego sa MPL ID Season 9 sa 5th-6th place. Mag-uuwi sila ng higit ₱550,000.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Bakit nga ba hindi masyadong excited si EVOS Zeys sa MPL ID S9 playoffs?