Inanunsyo kamakailan ng mga kampeon ng MPL Philippines Season 9, RSG Philippines ang roster na sasabak para sa kanila sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) ngayong ikalawang linggo ng Hunyo.

Bagamat palaisipan sa marami kung bakit si Coach Karl “Giee” Barrientos ang gagabay sa koponan sa regional patimpalak sa halip na ang head coach na si Coach Brian “Panda” Lim.


Coach Giee: May secret plan ang RSG PH para sa MPL PH S10

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa MSC Send-off Press Conference, hindi direktang sinagot ni Coach Giee ng tanungin siya tungkol sa rason ng pagliban ni Coach Panda sa gaganaping MSC 2022.

Aniya, “Una po sa lahat, we have a secret plan for this coming MPL Season 10. I can’t share much, that’s it.”

Bagamat hindi makakasamang lumipad ng team ang kanilang head coach para sa MSC 2022, sinigurado naman ni Coach Giee na mananatiling nakatutok si Coach Panda online para tulungan sila sa kanilang tangkang kuhanin ang korona ng international competition.

Makakasama ng RSG PH ang kanilang mga katukayo na RSG Singapore at See You Soon ng Cambodia sa Group B. Magbubukas ang Group Stages sa ika-11 ng Hunyo at gugulong hanggang ika-12 ng Hunyo, bago buksan ang playoffs sa ika-14 ng Hunyo.

MSC 2022 roster ng RSG PH

Credit: RSG Philippines
  • Karl “Giee” Barrientos (Coach)
  • Dylan “Light” Catipon
  • Arvie “Aqua” Calderon
  • Nathanael “Nathzz” Estrologo
  • Eman “EMANN” Sangco
  • Jhonard “Demonkite” Caranto
  • Dexter “Exort” Martinez

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MSC 2022 sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: MSC 2022 roster ng Smart Omega inilahad