Napatunayan muli ng Alter Ego X na isa sila sa mga paboritong manalo sa MDL Season 5 playoffs matapos nilang maka-abante sa semifinals.
Winalis ng koponan ang Rebellion Sinai, isa pang team na nagpakita ng magandang performance matapos talunin ang RRQ Sena at Pabz Esports.
Makakaharap ng Alter Ego X sa semifinals ang Aura Esports. Bago ang laban, ibinahagi ng coach ng koponan na si Arss na wala siyang magiging problema kontra sa dalawang koponan.

Ibinunyag din nag coach ng Alter Ego X ang susi sa kanilang tagumpay sa MDL.
“Tidak ada sih (ketakutan hadapi Aura). Sama saja seperti menghadapi tim-tim lain,”
(‘Di kami natatakot sa Aura. Wala naman silang pinagkaiba sa mga koponang nakaharap na namin.)
“Hal terpenting, menurut saya kalau di MDL, menangkan makronya, (akan) menangkan game-nya,” sabay sangayon sa sinabi ni Om Wawa na ang koponang mas onti ang pagkakamali ang mananalo.
(Ang importante, sa tingin ko ‘pag nasa MDL, ay ang macro dahil ito ang magpapanalo.)
Coach ng Alter Ego X, nais maka-rematch ang EVOS Icon sa MDL Season 5 grand final

Bilang isa sa mga paborito sa turneo, pareho ang tsansa ng Aura Fure at Alter Ego X na maka-abante sa grand final at kumpiyansa ang coach ng Alter Ego X na makakapasok sila dito.
Kung magkatotoo, inamin ni Arss na nais nilang makaharap ang EVOS Icon.
“(Saya inginnya) EVOS lagi sih. Kan musim lalu (di grand final) lawan EVOS, jadi akan seru jika rematch dengan EVOS lagi,” ani Arss.
(Gusto ko ulit makaharap ang EVOS. Ganoon din ‘yung grand final last season kontra EVOS, kaya exciting kung magkaka-rematch kami.)
Bagamat tagumpay ang koponan na maselyo ang nasabing rematch, bigo naman silang maagaw ang korona sa EVOS Icon.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Bakit masaya pa si EVOS Legends coach Zeys sa pagsasara ng Nimo TV?