Wagi ang RSG Philippines laban sa Omega Esports sa Week 4 Day 3 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Itinumba ng mga tinaguriang “King Slayers” ng MPL PH ang mga hari ng Southeast Asia sa score na 2-0. Dahil sa panalong ito, muling naibalik ng RSG PH ang kanilang pwesto bilang ikatlo sa overall standing ng liga.

MLBB MPLSeason8 Standings
Credit: MPL PH

Mensahe ni Coach Panda para sa mga pro players at mga fans

Sa post-match interview, nagpahayag ang RSG PH coach na si Brian “Panda” Lim ng kanyang hiling tungkol sa kasalukuyang estado ng esports scene sa bansa.

Nang tanungin kung bakit napakapositibo ni Coach Panda sa kanyang mga post sa social media kahit pa natatalo ito sa kanilang mga matches, napakaganda ng sagot ng respetadong MLBB coach.

“First of all, I just really want the esports community to be very healthy,” sabi ni Coach Panda. “We all know that here in the Philippines, we all really like to trash talk, we all like gossips. But again, this is professional and this is also your job.”

May mensahe rin ang RSG PH coach para sa mga pro players at mga fans ng mga ito. “And for all the fans who are watching, what’s important is that the players have to be professional and also have a healthy image for the fans to also have respect.”

MLBB RSGPH CoachPanda RSGPHTeamHuddle
Credit: RSG Philippines

Ibinahagi rin ni Coach Panda ang dahilan kung bakit hindi nya nakahiligan ang pagta-trash talk o magsalita ng hindi maganda patungkol sa mga kalaban. Ayon sa kanya, anumang negatibong bagay na kanyang nararamdaman ay mas minamabuti nyang sarilinin na lang dahil ito ay kanyang responsibilidad sa kanyang sarili at hindi na kailangang idamay pa ang iba.

“And for me as a coach, Im just always trying to be neutral,” pahayag ni Panda. “Syempre minsan biased din ako pero I don’t really want to trash talk anyone because it’s only affecting myself lang, no need to (include) other people.”

Marami ang namangha sa mga binitiwang salita ni Coach Panda. Sa dami ng kanyang napatunayan sa larangan ng esports, hindi kaila na maganda ang epekto ng ganitong klaseng mentalidad sa kanyang karera.

Susunod na makakalaban ng RSG PH ang Echo sa September 25, 6:00 p.m. GMT+8.

Mapapanood ang mga matches nang live sa opisyal na Facebook channel ng MPL Philippines.