Hindi man pinalad sa unang dalawang araw ng Week 3 ng MPL Philippines Season 9, nanatiling kumpiyansa ang RSG Philippines sa harap ng matikas na Blacklist International sa kanilang Day 3 matchup. Pinurnada ng koponan ni Coach Brian “Panda” Lim ang defending champions, 2-1 para manatili sa taas ng standings.

Matapos biguin ang Blacklist, ibinahagi ni Coach Panda ng RSG PH sa post-match interview ang kasulukuyang mentalidad ng koponan gayundin ang naging karanasan nila sa mapanghamong 3-match stretch nila ngayong linggo.


Inilarawan ni Coach Panda ng RSG PH ang kanilang karanasan sa 3-match stretch ngayong Week 3

Credit: MPL Philippines

Inamin ni Coach Panda ng RSG PH na ‘stressful’ nga ang pagkakaroon ng tatlong magkakasunod na laban ngayong Week 3. Gayunpaman, sinabi ng beterano na sanay ang kaniyang mga players sa ganitong uri ng pressure.

“If you think about it, it is stressful because we had three games to prepare. But the thing is that, the amount of training that my players do everyday is about the same as the amount of stress and pressure (in the 3 matches),” aniya.

Inilarawan din ng lider ng koponan ang mga karanasan nila sa unang dalawang araw ng kanilang Week 3. Sabi niya, hindi raw nagawa ng kaniyang team na ipakita ang kanilang tunay na laro dahil sa unang beses pa lamang sila sumalang sa offline setup.

Mas maganda naman daw ang naging experience nila noong Day 2. “Actually my players played at least 70% of their actual performance because at least they fixed their performance issues in terms of communication. So i said, at least we fixed something kaysa noong unang day. Thats why im happy kasi we faced on trial and we fixed it. Sana tuloy tuloy,” banggit niya.

Pagpapatuloy pa ni Coach Panda ng RSG PH, palagi niya pinaaalalahanan ang kaniyang mga manlalaro na huwag isipin ang magiging resulta ng laro at itatak sa isipan na ang regular season ay parte lamang ng proseso papunta sa playoffs.

“So much as possible i want my players to experience trial and error and one thing at a time we will fix it. Basta when we start the playoffs, we’ll be ready. That’s my mindset right now,” pagpapalawig ng dekoradong coach.

Sampu ng positibong mentalidad ni Coach Panda ng RSG PH, susubukan ng kaniyang koponan na kumawala sa deadlock kasama ang TNC Pro Team ML sa 2nd place.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL PH sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: ONIC PH mas tutok sa pagbalik ng kanilang form kaysa sa standings ngayong MPL PH Season 9