Wagi ang ONIC PH laban sa Nexplay EVOS sa playoffs ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 8.

Isang nakakabilib na 3-0 sweep ang natamo ng Nexplay EVOS sa kamay ng ONIC PH sa kanilang unang paghaharap sa upper bracket ng MPL PH Season 8 playoffs.

Sa post-match interview, ibinahagi ng ONIC PH coach na si Paul Denver “Coach Yeb” Miranda ang sikreto ng magandang performance ng ONIC PH hindi lang sa nagdaang match kundi pati na rin sa kabuuan ng regular season.

Paliwanag ni Coach Yeb, iniiwasan nyang i-pressure ang mga players upang mailabas nila ng maayos ang kanilang mga laro.

“Ang pinaka target ko is tanggalin yung pressure sa mga players kasi most of the time, kung pressured ka maglaro, hindi mo mailalabas yung best mo.”

MLBB ONIC PH Team Shot
Credit: ONIC PH

Pinatunayan naman ito ng mga ONIC PH players dahil ayon sa kanila, hindi sila pine-pressure ni Coach Yeb at sa halip ay sinasabihan pa sila na huwag kalimutang mag-enjoy sa bawat laban. At ang coaching style na ito ay nagkaroon ng magandang epekto sa mindset ng mga players na nagresulta naman sa maganda nilang performance.

Aabante sa upper bracket semi-finals ang ONIC PH upang harapin ang mananalo sa laban sa pagitan ng Blacklist International at Smart Omega.