“Nag-reready kami para sa lahat ng teams, hindi lang sa kung sino yung makakatapat namen.”

Iyan ang banggit ng ONIC Philippines Coach na si Denver “Coach Yeb” Miranda patungkol sa kanilang paghahanda sa kanilang kampanya upang sakupin ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 8 Playoffs.

Sa isang panayam kasama ang ONE Esports Philippines, binigyang linaw ni Coach Yeb ang ilan sa mga preparasyong pinagdadaanan ng kanilang team gayundin ang ilang saloobin tungkol sa ibang mga teams.


Sentro ang mental preparation sa paghahanda ng ONIC PH ayon kay Coach Yeb

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa gitna ng alingawngaw ng paparating na MPL PH Season 8 Playoffs, nanatiling kalmado ang kupunan ni Coach Yeb na ngayon ay naka-pokus sa mental preparation.

Aniya, madaming mga hakbang ang kanilang isinagawa bilang paghahanda, at mahirap isa-isahin ito. Ngunit banggit ng beteranong coach, “Finocus ko talaga is maging mentally-prepared kami sa lahat ng pwedeng mangyari.”

Credit: ONE Esports PH

Katwiran ni Coach Yeb, lahat daw ng kupunang lalahok sa playoffs ay “sobrang lakas” at dapat lamang na paghandaan sila bawat isa.

“Nag-reready kami para sa lahat ng teams, hindi lang sa kung sino yung makakatapat namen.”

Bagamat ganito ang nakatatak sa isipan ng utak sa likod ng Top 2 team sa MPL PH Season 8 Regular Season, alam niya na bukod sa kanila ay may mamamayagpag pang isang kupunan pagdako ng post-season.

“For sure Blacklist, the defending champs!”


Nakatuon ang mga mata ng ONIC PH sa MPL PH S8 kampyonato

Ayon kay Coach Yeb, nababalanse ng ONIC ang ekspektasyon sa kanila na ipakita ang kanilang galing dahil una pa lamang ay nakatutok na silang kuhanin ang kampyonato.

“From the start palang na nabuo yung roster for Season 8, ine-expect or goal na namen na magchampion this season. Katulad din siguro ng ibang team. Same mindset,” paliwanag ng head coach.

At hindi malayong makamit ng ONIC ang tunguhing ito. Bukod sa pagtatala ng magilas na 9-5 win-loss card at pagselyo ng upper bracket, sila rin ang nag-iisang team na nakapigil sa perpektong atake ng Blacklist International.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa tanong kung may epekto ba ang bukod-tanging performance nila kontra Blacklist, nanatiling mapagkumbaba ang beteranong esports personality.

“Of course naangat yung confidence namen, pero sa saktong level lang. MPL Season 7 champs sila and almost undefeated this season kaya malaking bagay na gumana ibang strats namen.”


Sundan ang iba pang mga istorya tungkol sa MPL PH Season 8 Playoffs sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!