Naging malaking palaisipan sa pagpapatuloy ng MPL Philippines S8 Regular Season kung sino ba ang kupunang makakapigil sa perpektong atake ng Blacklist International.

Sa kongklusyon ng ONIC vs BLCK Week 6 matchup, binigyan nina Ian “Beemo” Sergio at AJ “Baloyskie” Baloy ng ONIC Philippines ang mga fans ng pinal na kasagutan.

ONIC PH ang unang nakabasa ng UBE strat ng Blacklist International. Screenshot ni Calvin Trilles/ONE Esports PH.

Malaki ang ginampanan ng ONIC PH support duo sa seryeng gumulantang sa mga miron, kung saan pinaluhod nila ang defending champions sa 2-0 sweep.


Importante ang zoning ni Beemo sa ratsada ng ONIC vs BLCK

Credit: MPL PH

Hindi magagawa ng ONIC ang pasabog na ipinakita nila kontra Blacklist kung wala ang matalinong zoning at leash na inambag ni Beemo.

Batid naman ng grupo ng Tier One ang abilidad ng ONIC tank sa aspetong ito, kaya naman hindi kagulat-gulat ng itinanggi nilang ang Grock pick sa game 1. Gayunpaman, henyong Akai gameplay ang isinalang ni Beemo para buksan ONIC vs BLCK serye.

Matindi ang bantang ipinoste ng Thousand Pounder at Hurricane Dance combo ng kaniyang Akai, na epektibong sumira sa mga initiation ng Blacklist na matatandaang isa sa pinakamababangis sa buong MPL.

Sa game 1 ng ONIC vs BLCK, mapapansin ang disrupt mechanic ni Beemo sa Akai na pumigil sa responde ng kalabang team. Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Diniktahan ng tank player ang posisyon ng mga teamfights gamit ang kit ng kaniyang hero, na bumasag sa defensive formation ng Blacklist. at nagbigay daan para dominahin ng Paquito ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol ang game 1.

Ipinakita ni Beemo ang engage mechanic ng kaniyang Akai sa isang late game engkwentro sa game 1 ng ONIC vs BLCK serye.

Gayundin ang ipinakitang lebel ng zoning at engage mechanic ni Beemo sa game 2 kung saan ang kaniyang Jawhead naman ang bumantay sa mga bush para pigilan ang matinik na rotation ng kalabang team.

MVP ng Game 2 ng ONIC vs BLCK matchup si Beemo gamit ang kaniyang Jawhead. Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Kasama nito, nanguna din sa opensiba ang kaniyang Jawhead na patuloy na bumulaga sa Blacklist sa pamamagitan ng mga conceal plus sandwich plays para kumuha ng mga importanteng pick offs.


Swabeng Selana gameplay ni Baloyskie ang kumontra sa early game ng BLCK

Credit: MPL PH

Bida sa dalawang laro ng ONIC vs BLCK series ang Selena ni Baloyskie na siyang pumigil sa malakas na early game atake ng kalabang team.

Dahil sa nakasentro ang atake ng ONIC sa early hanggang mid game, pinokus ni Baloyskie ang panggugulo sa Karina at Barats na junglers sa magkasunod na laro.

Sukat na sukat ang lahat ng pinakawalang Abyysal Arrows ng Selena sa dalawang laro ng ONIC vs BLCK, na nagbigay daan sa mga pick offs sa early game at umantala sa kilalang Ultimate Bonding Experience (UBE) time.

Isang malaking halimbawa nito ang naganap sa ika-3 minuto ng ONIC vs BLCK game 1 kung saan pinuntirya ni Balyoskie ang jungle area ng kalabang kupunan at bigyang daan ang early kill sa Karina ni Danerie “Wise” Del Rosario.

Susi ang Selena ni Baloyskie na sinelyo ang early game para sa ONIC PH. Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Pagdako naman ng midgame at late game, susi ang mga initiation at targeting ni Baloyskie para kuhanin ang mga malalaking pickoffs para tulungan ang kaniyang team na makaabante papunta sa push.

Makikita ito sa isang late game engkwentro sa midlane sa game 2 ng ONIC vs BLCK kung saan swak ang pana ni Baloyskie sa Kimmy ni Kiel “OHEB” Soriano.

Target-locked ang Selena ni Baloyskie sa Kimmy ni OHEB sa Game 2. Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports pH
Target-locked ang Selena ni Baloyskie sa Kimmy ni OHEB sa Game 2. Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports pH

Sa panalong ito, ang ONIC Philippines pa lamang ang unang team na makakatalo, at makawawalis sa Blacklist International. Bukod dito, naselyo na din nila ang huling upper bracket slot kung saan sasamahan nila ang defending champions.


Sundan ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL.