Nalasap ng Blacklist International ang una nilang pagkatalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8 nang walisin sila ng Onic Philippines, 2-0, sa Week 6 Day 3.

Pinutol ng Onic ang 11-match undefeated streak ng Blacklist ngayong season at pinatikim sa defending MPL champions ang kanilang unang talo mula pa noong Hunyo sa grand finals ng MSC 2021 kontra sa Execration.


OhMyV33nus nakikitang ‘blessing in disguise’ ang unang talo ng Blacklist International

Credit: Blacklist International
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports PH

Dati nang sinabi ni Blacklist captain-support Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna na nais niya nang makaranas ng pagkatalo. At ngayong nangyari na nga ito, naniniwala siyang makakabuti ito para kanila.

“Personally, I don’t really mind na matalo sa Onic. Actually, even sa mga upcoming games namin, since secured na rin naman namin ‘yung upper bracket, siguro parang somehow blessing in disguise na rin ‘yung pagkatalo namin kasi for the longest time ngayon na lang ulit namin ‘to na-encounter,” sabi ni OhMyV33nus sa post-match presscon ng Blacklist.

“And ‘yung ma-experience mo ulit ‘yung spark, ‘yung parang gigil na makabawi, gigil na manalo ulit. It’s something na magiging maganda pa ‘yung adjustment namin sa upcoming matches namin,” dagdag pa niya.


Hindi nag-eksperimento ang Blacklist International

Credit: Moonton

Pinabulaanan din ni “The Queen” ang mga haka-haka ng ilan na nag-eksperimento ang Blacklist International sa kanilang draft matapos kumuha ng Karina sa Game 1 at Barats sa Game 2 para kay jungler Danerie James “Wise” Del Rosario.

Ayon kay V33, na-practice nila ang lineups na ginamit nila kontra sa Onic PH ngunit talagang mas nangingibaw ngayong araw ang koponan sa dilaw.

“Dapat bigyan natin ng credit na talagang maganda ‘yung performance ng Onic PH,” sabi niya.

Pareho ang sentimento ni Wise, na sinabing mas magaling talaga ang Onic sa pangalawang paghaharap nila ngayong season.

At dahil sa pagktalong ito, nasasabik si OhMyV33nus na makalaban muli ang dati niyang koponan pagdating ng playoffs at makabawi sa pagkakataong iyon.

“Sobrang naglu-look forward ako na makalaban ulit sila sa playoffs.”


OhMyV33nus maraming natutunan sa pagkatalo sa kamay ng Onic

Credit: Blacklist International

Ibinahagi rin ni OhMyV33nus na marami siyang natutunan bilang kapitan ng Blacklist International dahil sa pagkatalo nila sa kamay ng Onic PH.

“For me, sobrang laking bagay nun (talo) kasi ‘yung mindset ko ngayon, mostly ‘yung mga mistakes namin sa match namin sa Onic dahil sa’kin kasi ‘di ba ako nga ‘yung nagsha-shot call.”

“Para sa’kin marami akong natutunan at sobrang laki pa ‘yung ii-improve ko as the captain of Blacklist International.”


Para sa iba pang istorya tungkol sa MPL PH Season 8, i-follow ang ONE Esports PH sa Facebook.