Hindi nagtagal at nakuha ng mga Mobile Legends players ang galawan sa Xavier, ang pinakabagong adisyon sa hero pool sa laro ng Moonton. Malaki ang kargadang burst potential ng bagong hero at sakit sa ulo ang layo ng kaniyang range.
Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit hanggang sa MPL sa Indonesia at Philippines ay isinasalang ang hero dahil bukod-tangin ang kaniyang global ultimate skill na Dawning Light. Mahirap din katapat ang hero sa laning stage dahil mauumay ang kahit sino sa kaniyang poking ability.
Kaya naman tanong ng marami: ano ba ang pinakamabisang counter heroes sa Xavier? Inilista naming dito ang ilan sa mga heroes na kayang puguin ang meta midlane hero.
Epektibong counter heroes sa Xavier sa Mobile Legends
Lolita

Ang dahilan kung bakit isa ang Lolita sa perpektong counter heroes sa Xavier ay dahil sa ability nito na Guardian’s Bulwark na kayang masalag ang Infinite Extension, isang importanteng skill na dapat mapatama ng Defier of Light bago ma-activate ang kaniyang Transcendence passive.
Bukod dito, may dalawa ring crowd control skills ang Lolita na Charge at Nuomenon Blast na kayang maka-stun ng multiple enemies sa malaking area of effect.
Hawak ng isang marunong na Lolita user, mahihirapan ang bagong mage na pumosisyon sa mga teamfights at mapatama ang kaniyang skill combos. Kaya kung naghahanap ka ng mabisang counter heroes sa Xavier, Lolita ang isa sa mga sagot sa kaniya.
Helcurt

Nasa listahan din ng mga counter heroes sa Xavier ang Helcurt dahil sa kaniyang silence abilities. Dahil skill-dependent ang Defier of Light, mawawalan ng kuwenta ang kaniyang presensiya sa mga teamfights at hindi magagawang ma-activate ang kaniyang passive.
Ang Dark Night Falls, Shadow Transition at Deadly Stinger combo ng Helcurt ay isa rin sa mga matitinik na combos na kayang tumunaw sa mga squishy heroes tulad ng meta mage.
Ang kaya lamang gawin ng Xavier users ay bumili ng Winter Truncheon sa mga pagkakataong ito, o di kaya naman ay hintaying mapakawalang ng assassin ang kaniyang pamatay na combo.
Fanny

Sa totoo lang, mahirap talaga patamain ang skills ni Xavier. Mas mahirap ito kung ang kalaban mong hero ay may kakaibang mobility. Isa ang Fanny sa pinakamagaslaw na heroes sa laro kaya naman hindi siya mawawala sa listahan ng counter heroes sa Xavier.
Ang tanging paraan lamang para mapigilan ang Fanny ay makaselyo ng heroes na may single-target stun, na wala ang meta mage. Sa katunayan, isa naman talaga ang Fanny sa pinakamahirap makatapat na heroes sa Land of Dawn, at kung hawak ng magilas na player ay maiging ilista mo na.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang MLBB guides.
BASAHIN: Tibagin ang kalaban gamit ang 3 Grock emblem sets na ito