Nakatanggap ang Grock ng malaking buff sa pagpaso ng Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.66 kaya naman pasok ulit sa meta ang classic tank hero.

Ang pagbabago sa kaniyang passive na Earthern Force ang pinakamalaking adjustment na ginawa sa kaniya dahil kaya na niyang pumunit ng kalaban kung bubuan ng offensive items. Ang ultimate naman niyang Wild Charge ay may kaakibat ng stun kapag tumama kaya naman sa kabuuan ay top tier pick ang Grock sa MPL.

Kung gusto mong mageksperimento gamit ang Fortress Titan, heto ang tatlong Grock emblem sets na maaari mong paglaruan.


Subukan ang Grock Emblem sets na ito sa susunod mong laro

Pull Yourself Together

Credit: Moonton

Nanatiling Pull Yourself Together ang pinakasubok sa mga Grock emblem sets na nasa listahang ito. Ito ay kung lalaruin mo ang tipikal nitong roal na roamer. Swak ang movement speed increase at hybrid healing sub talents sa passive ng tank hero, kaya naman maasahang roamer ang Grock lalo pa’t may decreased death timer effect ang emblem gayundin ang epekto nitong decreased battle spell cooldown.

Bilang hero na sumasandal sa positioning, magandang gamitin ang Flicker or Sprint na battle spells dahil makakatulong ito sa pagkuha ng offensive sets lalo na sa mga teamfights.


Weapon Master

Credit: Moonton

Malaking dahilan ang pagbabagong inilatag sa Earthen Force passive kung kaya’t maaari ng gamitin ang Weapon Master bilang isa sa mga viable na Grock emblem sets. Dahil maaari ng gawing offensive ang Fortress Titan, swabe na rin itong opsyon lalo na sa mga engkwentro sa late game.

Isa ito sa mga Grock emblem sets na pasok kung gagamitin ang Grock sa gold lane dahil kaya ng fully-charged Power of Nature skill na kumitil ng marksman na tipikal na tumatao sa gold lane. Hindi lang iyon. Kahit pa fighter heroes ay mangangaray kung tatamaan ng skill combos ng tank hero!


High And Dry

Credit: Moonton

Kung nais laruin ang hero sa EXP lane, High and Dry ang isa sa mga maaaring Grock emblem sets na makakatulong sayo. Dahil desente naman ang kayang ilabas na damage output ng Fortress Titan, pabor sa user ang paggamit ng High and Dry lalo kung one on one ang sitwasyon.

Malaking dagdag ang 6 percent damage increase na kasama sa effects ng emlbme, at isang game changer sa pagkakataong umangat na ang Grock sa level four. Ang effect na ito sampu pa ng mga revamped skills ng hero ay solidong opsyon kung katapat ang fighters sa EXP.

Subukan ang Grock emblem sets na ito at ikomento ang inyong mga karanasan sa posts ng ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Killer Grock build ng MPL PH players na parang April Fools’ Day joke pero legit