Bumida ang killer Grock build noong ika-anim na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9 matapos makatanggap ng buffs sa 1.6.66 patch ng laro.

Bagamat tatlong beses lang itong nanalo sa pitong beses na napili, kapansin-pansin ang tila pang-April Fools’ Day joke na build ng mga MPL PH players sa naturang hero. Imbis na mga pampakunat kasi ang kanilang binili, binuuan nila ang tangke ng mga damage item na mas madalas makitang ginagamit ng mga marksman.


Paano naging posible ang killer Grock build sa MLBB patch 1.6.66

Killer Grock build ng MPL PH players na parang April Fools’ Day joke pero legit
Credit: Moonton

Nais ng Moonton na ibalik si Grock si meta kaya’t binigyan nila ito ng mga buff. Narito ang listahan ng mga pagbabagong natanggap ng hero noong nagdaang patch:

Earthen Force – Passive

  • Pinalitan ang pangalan ng passive mula sa Ancestral Gift
  • Tinanggal na effect: Nagkakaroon ng extra Magic Defense si Grock pag malapit sa pader.
  • Bagong effect: Nagkakaroon si Grock ng dagdag 0.6 Physical Defense sa kada point ng extra Physical Attack na meron siya.
  • HP Regen ‘pag malapit sa pader: 16-39 > 22 – 90

Guardian’s Barrier – Skill 2

  • Hindi na maba-block ng Guardian’s Bulwark ni Lolita ang shockwave nito. Bahagya ring pinabilis ang flying speed.

Earthen Force – Ultimate

  • Tinanggal na effect: Nire-refund ang 30% ng cooldown ng skill ‘pag napatama sa pader.
  • Bagong effect: 1.8s stun sa mga malalapit na kalaban ‘pag napatama sa pader.
  • Cooldown: 50 – 40s > 46-38s

Naging perpektong pangontra ang killer Grock build sa mga makakating marksman. Bukod kasi sa naging mas makunat ito kontra physical damage, kayang-kaya na niya rin lusawin ang mga malalambot na hero dahil sa knock up at mas mahabang stun duration ng ultimate nitong Earthen Force.

Sa tulong ng damage items, maaaring gamitin ang oras na ‘di makagalaw ang kalaban para mapatay ang target bago pa makagalaw.


Ang iba’t-ibang killer Grock build ng MPL PH players

Si Benedict “Bennyqt” Gonzales, ang gold laner ng ECHO, ang unang nagpamalas ng killer Grock build sa MPL PH Season 9. Ginawa niya ito noong ikatlong mapa ng serye nila kontra TNC Pro Team.

Bukod sa Blade of Heptaseas, Blade of Despair, Malefic Roar, at Hunter Strike na kanyang binili, gumamit din ang manlalaro ng marksman emblem na naka-Weapon Master talent.

Parehong tipo ng build ang ginawa ni Allen “Baloyskie” Baloy sa unang mapa ng ONIC Philippines kontra Bren Esports. Pero sa halip na gamitan ng marksman emblem ang kanyang Grock, assassin emblem na naka-High and Dry ang ginamit ng roamer.

Bagamat parehong nauwi sa pagkatalo ang mga pag subok na ‘to, nakahanap naman ng tagumpay sina Joshua “Ch4knu” Mangilog ng Smart Omega at Vincent “Joy Boy” De Guzman, ang rookie ng Bren Esports, gamit ang killer Grock build.

Imbes na marksman o assassin emblem, gumamit naman ang dalawang manlalaro ng support emblem at Pull Yourself Together na talent. Pinapabilis nito ang cooldown ng battle spell maging ang respawn time ng gumagamit.  

Magkaka-iba man ng ginagamit na emblem, halos hindi naman nawala ang tatlong item na ‘to para sa killer Grock build ng MPL PH players:

  • Blade of Heptaseas
  • Blade of Despair
  • Malefic Roar

Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng mga tank hero sa kasalukuyang meta, maaaring asahan ang patuloy na pamamayagpag ng killer Grock sa mga susunod na linggo ng MPL PH Season 9.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 dahilan kung bakit priority pick ang jungler Baxia sa MPL