Naglathala ng opisyal na pahayag ang Mobile Legends Bang Bang: Professional League Philippines Operating Committee patungkol sa default win ng ECHO kontra NXPE noong ika-apat na linggo ng MPL PH Season 9 regular season.

Ang opisyal na pahayag ng MPL PH sa default win ng ECHO kontra NXPE

MPL PH naglabas ng pahayag ukol sa default win ng ECHO kontra NXPE
Credit: MPL Philippines

Na-uwi sa default win ng ECHO kontra NXPE ang inaabangang serye matapos mabigo ang huli na makarating sa venue bago ang itinakdang oras ng laban.

“The match between Nexplay EVOS and ECHO is scheduled for 8:00 p.m. today. As of 8:33 p.m., Nexplay EVOS has not reached the studio,” sulat ng kumite.

(Ang laban sa pagitan ng Nexplay EVOS at ECHO ay itinakda sa 8:00 p.m. ngayong araw. Sa ganap na 8:33 p.m., hindi pa nakakarating sa studio ang Nexplay EVOS.)

Nilabag ng NXPE ang 7.3.4.2.8 ng MPL PH Season 9 rule book. Ayon sa nasabing alintuntunin, ang mga koponan ay dapat makapaghanda isang oras bago ang kanilang laban at makapasok sa ginawang lobby 15 minuto bago ang serye.

“The rule also states that if one team has not entered into the match room which has been prepared after twenty minutes, the late team by default is considered to have lost the match,” dagdag ng MPL PH Operating Committee.

(Nakasaad din ng alituntunin na kung ang isang koponan ay hindi pa nakakapasok sa match room na inihanda matapos ang 20 minuto, ang late na team ay agad na makatatanggap ng pagkatalo.)

Humingi rin ng paumanhin ang kumite sa pangyayari at hinikayat ang fans at viewers na abangan ang susunod na linggo ng bakbakan.


NXPE humingi ng dispensa ukol sa pagiging late sa kanilang laban kontra ECHO

MPL PH naglabas ng pahayag ukol sa default win ng ECHO kontra NXPE
Credit: Nexplay Esports

Sa kabila ng default win ng ECHO kontra NXPE, idiniin ng organisasyon na nirerespeto at pinaghahandaan nila ang bawat laban nila.

“Our team left our bootcamp in Angeles City, Pampanga with the normal 4 hours allowance time from our match schedule. On the way, the trip was delayed by a flat tire and it took around one hour before help came,” paliwanag ng organisasyon.

(Umalis ang aming koponan sa aming bootcap sa Angeles City Pampanga, nang may normal na apat na oras na allowance time bago ang schedule ng aming laban. Papunta, na-delay ang biyahe dahil sa butas na gulong at inabot ng isang oras bago dumating ang tulong.)

Credit: Nexplay Esports

Dumagdag pa umano ang mabagal na daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) sa dahilan ng pagiging late ng NXPE. Kadalasan daw ay nakakarating ang koponan dalawang oras bago ang laban.

“We sincerely apologize to the league operations of MPL Philippines, to the fans and supporters of Nexplay EVOS, as well as to the ML community who waited for our game,”

(Lubos ang paghingi namin ng tawad sa league operations ng MPL Philippines, sa fans at supporters ng Nexplay EVOS, pati na rin sa ML community na naghintay sa aming laban.)


Dahil sa default win ng ECHO kontra NXPE, naging mas kumportable ang pagkaka-upo ng ‘super team’ sa tugatog ng standings. Meron na silang 18 puntos mula sa anim na panalo at isang talo.

Samantala, tied naman sa ika-apat na puwesto ang NXPE at ONIC PH na parehong may 11 puntos mula sa parehong apat na panalo at tatlong pagkatalo.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 9 Week 4 recap: ECHO nanatili sa tuktok ng liga